Pluton (astronomiya)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Pluto (paglilinaw).
Pluto at Charon

Ang Pluton ay isang maliit na bagay sa kalawakan sa panlabas ng sistemang solar. Natuklasan ito noong 1930 at unang inuri bilang isang planeta, ngunit itinuturing ngayong isang duwendeng planeta nang pinagdebatihan noong 2006.

Pagkadiskubre[baguhin | baguhin ang batayan]

Pagkatapos madiskubre ang Neptuno inakala nila na may planeta pa pagkatapos ng Neptuno. Ang paghahanap sa planeta na pinangalanang Planet X ay sinimulan noong 1906 ni Percival Lowell. Pagkatapos ang 24 taong paghahanap ang Planeta ay nadiskubre ng Amerikanong astronomer na si Clyde Tombaugh sa Arizona, USA noong 1930.

Pagpapangalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinangalanan siyang Pluton ni Venetia Burney isang 11 taong gulang na bata noon. Sa Intsik, Hapon at Koreanong wika iyon ay "bitwin ng hari ng mga patay". Sa Vietnam naman ito ay Yama .