Plutonyo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Huwag itong ikalito sa platina at sa platinum.
Isang plutonyong hinahawakan ng isang tao. Nasusuotan ng mga guwantes o glab ang mga kamay ng taong tumatangan dito.

Ang plutonyo, plutonyum, o plutonium[1] (Kastila: plutonio, Ingles: plutonium,daglat o sagisag = Pu) ay isang uri ng mala-pilak na elementong kimikal na may mga katangiang metaliko, at pagka-trans-uranikong elemento. Nalilikha ito sa pamamagitan ng pagpapatama ng mga partikulo sa mga atomo ng uranyo. Mayroon itong 15 isotopo na may masang magula sa 232 magpahanggang 246, at may kalahating-buhay mula magmula 20 minuto magpahanggang 76 milyong taon. Delikadong tumama ito sa utak ng buto ng katawan ng tao sapagkat itinuturing itong isang lasong radyolohiko. Ginagamit ito bilang isang panggatong ng reaktor na nukleyar at maging isang sangkap para sa mga sandatang nukleyar. Magkakapanahong natuklasan ang elementong ito nina G.T. Seaborg, A.C. Wahl, at J.W. Kennedy; ng pangkat nina Edwin M. McMillan at Philip Abelson ng Laboratoryo ng Radyasyon ng Berkeley sa Pamantasan ng California; at ng pangkat nina Egon Bretscher at Norman Feather sa Laboratoryong Cavendish ng Pamantasan ng Cambridge para sa proyetong Tube Alloys, noong 1940. Kabilang sa mga katangian nito ang pagkakaroon ng atomikong bilang na 94, antas o degri ng pagkatunaw na 639oC, antas o degri ng pagkulo 3,235oC, at tiyak na kalubhaan (tiyak na dagsin o espesipikong grabedad) na 19.8.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Plutonium, plutonyo, plutonyum". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com. ; Paunawa: may kamaliang nailagay sa diksyunaryong ito: ang paglalarawan ng plutonium ay nailagay sa entradang dapat na para sa platinum ngunit mayroon ding nakahiwalay na isa pang entrada para sa mismong plutonium na mas maikli lang.