Pluwidodinamika

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Sa larangan ng pisika, ang pluwidodinamika[tb 1] (Ingles: fluid dynamics; Espanyol: fluidodinámica) ay isang kabahaging disiplina na humaharap sa buhos o agos ng pluwido at pati na ang galaw ng mga gas. Isa ito sa pinaka matandang mga bahagi ng pag-aaral ng pisika. Pinag-aaralan ito ng mga pisiko, mga matematiko, at mga inhinyero. Mailalarawan ng matematika ang kung paano gumagalaw ang mga pluwido na ginagamit ang mga pormulang pangmatematika na tinatawag na mga ekwasyon.

Ang pag-unawa at pagpapaliwanag sa kung paano ang kaasalan ng mga pluwido ay nakakatulong na maintindihan ang mga bagay na katulad ng paglipad o pagpapalipad (aeronotika), taya ng panahon (meteorolohiya), at Agham ng Isports (Palakasan). Bilang halimbawa, maaaring magamit ang dinamiks ng pluwido upang maunawaan ang panahon o weather dahil ang mga ulap at hangin ay kapwa mga pluwido (mga "lusaw"). Maaari ring gamitin ang dinamiks ng pluwido upang matalos ang kung paano nakakalipad ang mga eroplano habang lumalagos sa hangin, o kung paano nakapaglalayag ang mga barko at mga submarino habang nasa tubig.

Magagamit ng mga programang pangkompyuter ang mga ekwasyong pangmatika ng dinamiks ng pluwido upang makagawa ng mga modelo o huwaran at mahulaan ang magiging kilos ng gumagalaw na mga pluwido. Nakakatulong ang mga kompyuter sa pag-intindi sa dinamiks ng pluwido, at may ilang mga tao na nag-aaral kung paano maimomodelo o magaya ang mga pluwido sa pamamagitan lamang ng mga kompyuter. Ang pag-aaral sa kung paano naisasagawa ang dinamiks ng pluwido sa pamamagitan ng kompyuter ay tinatawag na computational fluid dynamics (CFD) o komputasyunal na dinamiks ng pluwido (pangkomputasyon na galaw ng pluwido).

Mayroong tatlong mahahalagang mga saligan ng dinamiks ng pluwido na nakabatay sa tatlong mga prinsipyo: ang konserbasyon (pagpapanatili) ng masa, ang konserbasyon ng enerhiya, at ang konserbasyon ng momentum.

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. galaw ng pluwido, kilos ng pluwido, kasiglahan ng pluwido o daloy ng pluwido


Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]



Pisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.