Pokémon Ruby at Sapphire

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pokémon Ruby at Sapphire
Pokemon Sapphire.jpg
Pang-Hilagang Amerikang pabalot sa Pokémon Sapphire.
(Mga) lumikha Game Freak
(Mga) naglabas Nintendo, The Pokémon Company
(Mga) disenyador Satoshi Tajiri (executive producer)
Junichi Masuda (director)
(Mga) kompositor Go Ichinose
Morikazu Aoki
Junichi Masuda
Hiroko Takano
Mga serye Pokémon series
(Mga) plataporma Game Boy Advance
Petsa ng paglalabas JP November 21, 2002[1]
NA March 19, 2003[1]
AUS April 3, 2003[1]
EU July 25, 2003[1]
(Mga) dyanra Console role-playing game
(Mga) Moda Single-player, multiplayer
(Mga) grado
Midya 128-megabit cartridge

Ang Pokémon Bersyong Ruby[2] at Bersyong Sapphire[3] (ポケットモンスター ルビー・サファイア, Poketto Monsutā Rubī Safaia) ay ang ikatlong laro ng matagumpay ng larong bidyo na Pokémon. Ito ay nilikha at ginawa ng Game Freak at inilathala ng Nintendo para sa konsolang Game Boy Advance. Ang dalawang larong ito ay unang inilabas sa Hapon noong katapusan ng 2002 at nilabas din sa Hilagang Amerika, Australya at Europa noong 2003. Ang mas pinag-inam na bersyon ng dalawang ito, ang Pokémon Emerald, ay inilabas noong 2004. Ang mga larong Pokémon Ruby, Pokémon Sapphire, Pokémon Emerald, Pokémon FireRed at LeafGreen ay ang mga larong bidyo ng Pokémon na bumubuo sa tinatawag na seryeng advanced generation.

Ipinapakita ang Pokédex, isang interaktibong talaan ng mga Pokémon na ginagamit ng manlalaro upang mahanap o mabigyan ng paglalarawan ang bawat Pokémon na makakatagpo niya. Nasa larawan ay ang Pokémon na si Pikachu, at sinasabi kung anong katangian ng nilalang na ito.

Ang paraan ng paglalaro ng Pokémon Ruby at Sapphire (RS) ay katulad din ng mas naunang henerasyon kung saan nakasilip sa perspektibong overhead ang manlalaro. Katulad din ng mga naunang bersyon, ang layunin sa laro ay mahuli ang lahat ng Pokémon sa kinabibilangang rehiyon at matalo ang Elite Four ng mismong rehiyon, kung saan maaaring tanghalin bilang Pokémon Champion ang manlalaro. Narito din ang pagpasok ng mga kriminal na sindikato kung saan ay dapat na talunin sila ng manlalaro upang maipagpatuloy ang kuwento. Nadagdag naman sa mga bagong katangian ng dalawang bersyon ang double battle at mga mas bagong abilidad ng mga Pokémon.

Sanggunian[baguhin]

Sinundan:
Pokémon Crystal
2000JAP, 2001NA
2002JAP, 2003NA Susunod:
Pokémon FireRed at LeafGreen
2004JAP, 2004NA