Pork barrel
Ang pork barrel, literal na "bariles ng karneng baboy", ay isang derogatoryong salita na tumutukoy sa pagtatalaga ng paggasta ng pamahalaan na pangunahing kinuha sa kaban ng bayan upang magpasok ng salapi sa distrito ng isang mambabatas para sa mga lokal na proyekto nito. Ang paggamit ng salitang ito ay nagmula sa Amerikanong Ingles.
Kahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa karaniwang paglalarawan, ang "pork" ay sumasangkot sa pagpopondo ng mga programa ng pamahalaan na ang ekonomiko o serbisyong mga benepisyo ay nakalaan sa isang partikular na nasasakupan o lugar ngunit ang gastos ay pinapasan ng lahat ng mga nagbabayad ng buwis.
Sa Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Pilipinas, ang pork barrel ang nilaang malaking halaga ng pambansang taunang badyet ng pamahalaan sa mga mambabatas ng bansa. Ang bawa't senador ay pinaglalaanan ng 200 milyong piso at ang bawa't kinatawan ay pinaglalaanan ng 70 milyong piso kada taon sa programang tinatawag na Priority Development Assistance Fund. Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ang isang kurakot na mambabatas ay maaaring makakuha ng hindi bababa sa 20 porsiyentong komisyon sa paggamit ng kaniyang taunang itinalagang pork barrel kapalit ng pagbibigay ng kontrata sa mga kompanya para sa imprastraktura at iba pang mga proyekto sa sobrang taas na presyo. Ayon din kay Lacson, ito'y nangangahulugang ang isang kurakot na senador ay maaaring makapagbulsa ng 40 milyong piso kada taon, 240 milyong piso sa anim na taon at 480 milyon sa 12 taon. [1]
Ang pork barrel ay nakikita na isang panunuhol ng mga politiko sa mga botante. Sinisiguro ng mga politiko na malalagay ang kanilang pangalan sa mga proyektong ipinagawa bagaman ang proyekto ay pinondohan mula sa ibinabayad na buwis ng mga mamamayan.[2]
Pork barrel scam
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pork barrel scam ang kontrobersiya na unang nabunyag noong Hulyo 2013 na kinasasangkutan ng 5 senador at mga 23 kinatawan na naglipat ng kanilang pork barrel funds na may kabuuang 10 bilyong piso sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) para sa mga hindi umiiral na proyekto. [3] [4] Ayon sa Commission on Audit, ang paglilipat ng mga mambabatas ng mga pondo sa mga NGO ay ilegal.[5]
Ang sinasabing utak ng pork barrel scam ayon sa whistleblower na si Benhur Luy ay si Janet Lim-Napoles na CEO at presidente ng JLN Corp. [3]
Ang modus operandi ng scam ay si Napoles at ang isang mambabatas ay may kasunduan na ang pekeng NGO ni Napoles ang tatanggap ng pork barrel funds ng mambabatas kapalit ng mga kickback mula kay Napoles. Ang mambabatas ay magsusumite ng talaan sa Department of Budget and Management (DBM) ng mga proyektong ipapatupad. Ang DBM ay maglalabas ng Special Allotment Releases Order (SARO) sa mambabatas na mag-eendorso ng napili nitong NGO ni Napoles sa ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad ng proyekto. Ang kasabwat na ahensiyang nagpapatupad ng proyekto ay hindi magsasagawa ng public bidding para sa proyekto at sa halip ay papasok sa isang kasunduan sa NGO ni Napoles para sa pagpapatupad ng proyekto. Pagkatapos na makumpleto ang mga papeles, ang DBM ay naglalabas ng Notice of Cash Allocation (NCA) sa nagpapatupad na ahensiya. Sa pagtanggap ng NCA, ang ahensiyang nagpapatupad ay maglalabas ng tseke sa NGO ni Napoles na idedeposito sa account sa bangko ni Napoles ng mga empleyado ng JLN Corp.[6]
Ang kickback na napupunta sa bulsa ng mambabatas ay 40-60 porsiyento[6] Ang hindi bababa sa 35 porsiyento ay napupunta sa bulsa ni Napoles, ang 10 porsiyento ay napupunta sa pinuno ng kasabwat na ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga pekeng proyekto, at ang natitirang porsiyento ay napupunta sa mga chief of staff ng mga mambabatas at mga pangulo ng mga NGO ni Napoles at mga incorporator nito. Kabilang sa mga kasabwat na ahensiya ng pamahalaan na kahati sa mga kickback ng scam ang National Livelihood Development Corporation (NLDC), National Business Corporation (NABCOR), Zamboanga Rubber Estate Corporation (ZREC) at Technology Resource Center (TRC).
Ang mga nasangkot na mambabatas sa pork barrel scam ang sumusunod:
Mga senador
[baguhin | baguhin ang wikitext]Senador | Nilipat na pondo sa NGO ni Napoles |
Kickback na nakuha mula kay Napoles |
---|---|---|
Bong Revilla | ₱1.015 bilyon[3] | ₱224,512,500[6] |
Juan Ponce Enrile | ₱641.65 milyon[3] | ₱172,834,500[6] |
Jinggoy Estrada | ₱585 milyon[3] | ₱183,793,750[6] |
Bongbong Marcos | ₱100 milyon[3] | |
Gringo Honasan | ₱15 milyon[3] |
Mga kinatawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kinatawan | Pondong nilipat sa NGO ni Napoles |
Nakuhang Kickback mula kay Napoles |
---|---|---|
Rizalina Seachon-Lanete | ₱137 milyon[3] | ₱108,405,000[6] |
Rodolfo Plaza | ₱79,500,000[6] | ₱42,137,800[6] |
Samuel Dangwa | ₱54,000,000[6] | ₱26,770,472[6] |
Constantino Jaraula | ₱50,500,000[6] | ₱20,843,750[6] |
Edgar Valdez[3] | ₱56,087,500[6] | |
Erwin Chiongbian | ||
Salacnib Baterina | ₱7.5 milyon | |
Douglas Cagas | ₱9.3 milyon | |
Rozzano Rufino Biazon | ₱1.95 milyon | |
Marc Douglas Cagas IV | ₱5.54 milyon | |
Rodolfo Valencia | ₱2.41 milyon | |
Arthur Pingoy Jr. | ₱7.5 milyon | |
Arrel R. Olaño | ₱3.1 milyon |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ P-Noy, seven senators give up P1.6 B in 'pork', Philippine Star, May 7, 2011[patay na link]
- ↑ http://www.philstar.com/police-metro/2013/07/03/961033/miriam-muling-inihain-ang-anti-epal-bill
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 3.8 https://web.archive.org/web/20130715013437/http://www.asianewsnet.net/28-Philippine-solons-linked-to-pork-barrel-scam-49147.html
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-29. Nakuha noong 2013-08-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.philstar.com/headlines/2013/08/26/1135251/coa-35-lawmakers-transferred-p1.7-b-pork-ngos
- ↑ 6.00 6.01 6.02 6.03 6.04 6.05 6.06 6.07 6.08 6.09 6.10 6.11 6.12 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-09-24. Nakuha noong 2013-10-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)