Pransiskano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang eskudo de armas ng mga Pransiskano

Ang katagang Pransiskano ay karaniwang tumutukoy sa mga kasapî ng ordeng relihyoso na sumusunod sa isang katawan ng mga alituntuning tinatatwag na "Ang mga alituntunin ni San Francisco",[1] o ng isang miyembro ng isa sa mga ordeng ito sa Simbahang Katóliko Romano, mga komunidad ng mga Anglikanong Pransiskano at mga mumuntíng pangkat na Lumang Katóliko.

Ang pinakatanyág na pangkát sa mga ito ay ang Orden ng mga Prayleng Menor (karaniwang tinatawag na mga "Pransiskano"). Ang Orden ng mga Prayleng Menor ay ordeng nagpapalimos, alinsunod sa halimbawâ ni San Fransisco.

Pangalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang opisyal na pangalan ng Orden sa Latín ay Ordo Fratrum Minorum.[2] Binanság mismo ni San Francisco ang kaniyang mga tagasunód na fraticelli ('mumuntíng kapatid'), at ang mga 'di-pormal na pagkákakilanlan sa kanila ay prayle o Menoridades. Ang modernong organisasyon ng mga Prayleng Menor ay kasalukuyang binubuo ng tatlong magkakahiwalay na sangay: ang 'Prayleng Menor' (OFM); ang 'Prayleng Menor Kombentwal' (OFM Conv), at ang 'Prayleng Menor Kaputsino' (OFM Cap)[3].

Ang mga Anglikano Pransiskano Unang Orden (kapatid na lalaki) ay kilala bilang ng Lipunan ng San Francisco (SSF), habang ang Ikalawang Orden (kapatid na babae) bilang Orden ni Santa Clara (OSC), at Ikatlong Orden (binubuo ng mga ordinado at laikong mga kasapî, lalaki at babae, may-asawa man o dalaga/binatà; ang katagáng "ordinaryo" ay tumutukoy sa buhay sa ilalim ng mga patakaran) ay kilalá bilang Lipunang Pangatlong Ordeng ni San Francisco (TSSF).

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "The Rule of the Franciscan Order" from the Medieval Sourcebook
  2. Wikisource-logo.svg Paschal Robinson. (1913). "Order of Friars Minor". Catholic Encyclopedia. New York: Robert Appleton Company.
  3. Wikisource-logo.svg Paschal Robinson. (1913). "Franciscan Order". Catholic Encyclopedia. New York: Robert Appleton Company.