Prekambriyano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Panahong Prekambriyano
4567.17–542 milyong taon ang nakalilipas
PreЄ
Positions of ancient continents, 550 million years ago.jpg



Ang Prekambriyano (Ingles: Precambrian o Pre-Cambrian) ay tumutukoy sa malaking saklaw ng panahon sa kasaysayan ng daigdig bago ang kasalukuyang eon na panerosoiko at isang supereon na hinati sa ilang mga eon ng iskalang panahon na heolohiko. Ito ay sumasaklaw mula sa pagkakabuo ng daigdig mga 4.570 bilyong taon ang nakalilipas hanggang sa pagsisimula ng panahong Kambriyano mga 542 milyong taon ang nakalilipas nang ang mga makrosokopikong may matigas na shell na mga hayo ay unang lumitaw sa kasaganaan. Ang Prekambriyano ay pinangalang ito dahil ito ay nauna sa Kambriyano na unang panahon ng eon na paneosoiko na ipinangalan sa Cambrian na klasikong pangalan ng Wales. Ang Prekambriyano ay bumubuo ng 88% ng panahong heolohiko ng daigdig.