Preppy

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Preppy, preppie, o prep (ang lahat ay maikling salin ng salitang Preparatory) ay tumutukoy sa isang moderno at malawak na grupo mula Estados Unidos, madalas na itinuturing isang "subculture" o bahagi ng isang kultura. Ang salitang Preppy ay parehong Amerikanong pang- uri at pangngalan, habang ang salitang prep ay isa lamang na Amerikanong pangngalan, ayon sa kaugaliang kaugnay ng pribadong preparatory na eskwelahan sa Hilagang-silangan na rehiyon at madalas na inilalarawan ang isang taong nakikitang may katangian ng isang dumadalo sa mga paaralang ito. Bagaman itinuturing na balbal, ang pangngalang prep ay bahagi na ng araw-araw na usapan sa Estados Unidos at sa kalakhan kung kaya't napalitan na nito ang salitang preppy. Kabilang sa mga katangian ng preps ang isang partikular na "subcultural" na uri ng pagsasalita, bokabularyo, tuldik, damit, pag-galaw , at etiketa na sumasalamin sa mga may-kaya at mayayamang pamilya sa Hilagang-silangan na rehiyon sa Estados Unidos.

Kahulugan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang salitang preppy ay nagmula sa mga mamahaling paaralan bago pumasok sa kolehiyo. Dito madalas na pumapasok ang mga batang kabilang sa may-kaya at mayamang pamilya sa Estados Unidos. Nagsulat si Lisa Birnbach ng libro noong 1980 na pinamagatang, "Official Preppy Handbook". Sinulat ang librong ito upang manudyo sa buhay ng mga estudyanteng Preppy ngunit natapos sa pamamagitan ng pagsamba rin sa kanilang kultura. Ipinakita rin ang mga preppy bilang isang edukadong grupo sa lipunan, konektado nang husto, at bagaman eksklusibo, magalang sa iba pang mga grupo sa lipunan nang hindi nagkakaroon ng mga seryosong relasyon sa kanila. Ang pagiging edukado at konektado nang husto ay sumasalamin sa kanilang pagpapalaki sa pamilya at lipunan, kung saan hinihikayat ang mas mataas na edukasyon at mga tagumpay bilang isang propesyonal.

Ang salitang preppy ay partikular na kilala sa mga Amerikanong kabataan, ngunit magkaiba ang mga preps mula sa Mataas na Paaralan o haiskul kaysa mga tradisyunal na preps mula sa unibersidad ng rehiyong East Coast. Ang paggamit ng salitang preppy sa Americanong haiskul ay madalas na ginagamit upang sumangguni sa isang partikular na "subculture" na makikita sa loob ng haiskul. Sa mga kabataan, ang salitang "preppy" ay karaniwang tumutukoy sa fashion, kaysa sa isang pamumuhay. Ang "preppy" ay tumutukoy sa kahit sinumang nagbibihis nang "preppy" at mula sa gitna hanggang itaas na klase ng pamilya. Sa pelikulang Hollywood noong 1980s, tulad ng "Sixteen Candles" ni John Hughes, "Pretty in Pink", at "The Breakfast Club", makikita ang mga preps mula sa mga paaralan noong 1980s, na itinatanghal bilang mababaw na grupo lalo na't nababahala lamang sila sa mga materyal na bagay. Sila ay madalas na abala lamang sa tatlong bagay: ang kasikatan sa loob ng kanilang sariling mga haiskul at barkada, ang pisikal na anyo, at mga materyal na ari-arian.

Fashion[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang uri ng pananamit na "Preppy" ay nagsimula noong 1950s bilang paraan ng pagbibihis ng mga taga-Ivy League na paaralan. J. Press ang kumakatawan sa tipikal na "preppy" na tatak ng damit. Ito'y nag-ugat sa tradisyon ng pananamit sa mga unibersidad. Ang J. Press at Brooks Brothers, ang isa pang tanyag na linya ng damit na lubos na nauugnay sa preppy na fashion, ay may mga tindahan sa mga kampus ng mga paaralang Ivy League, tulad ng Harvard at Yale, sa panahon ng kalagitnaan ng ikadalawampung siglo. Ralph Lauren, Vineyard Vines , at Elizabeth McKay ay madalas na napapakitaang may estilong preppy. Ang New York City ay pinaniniwalaang punong-himpilan para sa mga linya ng damit na preppy, tulad ng J. Press , Brooks Brothers , at Ralph Lauren, na sumasalamin sa epekto ng kulturang East Coast sa pamumuhay na preppy. Ilang halimbawa ng mga damit na preppy ang "Argyle" na panglamig , chinos , madras, Nantucket reds, button-down Oxford na pantaas at "boat shoes".

Pamumuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang sa mga mas karaniwang isports na nilalaro ng mga preps ay paglalayag , paggaod, Cricket , Lacrosse , arnis , pagbaril , kroket , squash , polo, at regbi ayon sa The Official Preppy Handbook.