Promdi

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang promdi ay isang salitang balbal[1] na Tagalog na nangangahulugang probinsyano o isang taong nagmula sa isang lalawigan ng Pilipinas. Hango ang salita mula sa pariralang Ingles na "from the province" (mula sa lalawigan). Kadalasang mapanira ang katawagang ito dahil pinantutukoy ito sa mga taong hindi nakakaunawa ng o walang balak makaunawa sa pamumuhay sa lungsod.

Sa kulturang popular[baguhin]

May awiting pinamagatang "Promdi" ng Pilipinong mang-aawit na si Regine Velasquez sa album niyang The Platinum Album[2] na tumutukoy sa salitang balbal na ito.

Mga sanggunian[baguhin]



Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.