Promiskuwidad

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang promiskuwidad, na may literal na kahulugang walang pakundangan, pagiging halu-halo, walang kaayusan,[1][2] pagiging magulo, kawalan ng delikadesa, kawalan ng diskriminasyon, walang pinipili, walang pamantayan sa pagpili, kaswal, random, ala-suwerte, o pasumala,[3] ay isang salitang mas may kaugnayan sa ugaling pangpagtatalik ng tao o hayop. Kapag ginamit ang pariralang promiskuwidad ng tao o promiskuwidad ng hayop, nangangahulugan itong kawalan ng delikadesa ng isang tao o ng isang hayop kung sino man ang makatalik.[3][2] Ito ang gawain ng pakikipag-ugnayang may pakikipagtalik sa iba't ibang mga kapareha o mga pangkat ng kasarian, na kabaligtaran ng monogamiya, na mas lalo na sa kaharian ng mga hayop katulad ng sa mga tao. Ayon sa Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan ang promiskuwidad ay ang pagkakaroon ng 2 kasiping o kapareha sa pakikipagtalik sa loob ng hindi bababa sa panahon ng 6 na mga buwan.

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Blake, Matthew. (2008). "Promiscuous". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
  2. 2.0 2.1 Promiscuity, thefreedictionary.com
  3. 3.0 3.1 Gaboy, Luciano L.. "Promiscuity, promiscuous". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.