Proserpina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Proserpina (play /prəˈsɜrpɪnə/) o Proserpine ( /ˈprɒsərˌpɪn/) ay isang sinaunang diyosang Romano na ang kuwento ay naging batayan ng isang mito ng tagsibol. Ang kaniyang katumbas sa mitolohiyang Griyego ay si Persephone.[1]

Ang maaaring pinagmulan ng kaniyang pangalan ay ang Latin na "proserpere" o "lumitaw," na may kaugnayan sa paglaki ng butil. Isinama si Proserpina sa kulto ni Libera,[2] na isang sinaunang diyos ng pertilidad, na asawa ni Liber, at itinuturing din bilang isang diyos ng buhay, kamatayan at muling pagsilang.

Si Prosepina ay ang anak na babae ni Ceres, diyosa ng agrikultura at mga pananim[3] at ni Hupiter, ang diyos ng himpapawid at ng kulog.

Mga sanggunian[baguhin]