Prosyuto

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Prosciutto di Parma.

Ang prosyuto (Ingles at Italyano: Prosciutto; IPA: /prəˈʃuːtoʊ/,[1] o /pro-syu-tp/) ay ang Italyanong salita para sa hamon. Sa Ingles, halos kadalasang ginagamit ang prosciutto para sa pinatanda, tinuyo, at "ginamot" (paraan ng paghahanda), at pinalasang Italyanong hamon na karaniwang hiniwa ng maninipis at inihahaing hindi naluluto; ito ang tinatawag na prosciutto crudo o "hilaw na hamon" sa Italyano at kaiba mula sa prosciutto cotto o "nilutong hamon". Nanggagaling ang pinakabantog at pinakamahal ang halagang mga hita ng prosyuto mula sa gitna at hilagang Italya (partikular na ang mula sa Tuskanya at Emilia), katulad ng Prosciutto di Parma, at yaong mula sa Friuli-Venezia Giulia, katulad ng Prosciutto di San Daniele.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Bigkas ng "Prosciutto". Mga talahuluganan ng Cambridge sa internet.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.