Protokolo ng Internet

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Internet Protocol (IP), na Protokolo ng Internet o Protokol ng Internet sa pagsasalinwika, ay ang pangunahing protokolo ng komunikasyong ginagamit para sa pagpapasa ng mga datagramo (mga pakete) sa kahabaan ng isang internetwork na gumagamit ng Internet Protocol Suite. Bilang may pananagutan o responsable sa pagruruta ng mga pakete sa kahabaan ng mga hangganan ng mga network, ito ang pangunahing protokolo na naglulunsad ng Internet. Ito ang pangunahing protokolo sa Internet Layer ng Internet Protocol Suite at may tungkulin gawin ang pagdadala ng mga datagramo mula sa pinanggalingang mga host (literal na "tagapagpasinaya") papunta sa destinasyong host na tanging nakaayon sa kanila mga adres o tirahan ng IP. Para sa ganitong layunin, nilalarawan ng IP ang mga paraan at mga kayarian ng pagbibigay ng adres o "tunguhan" para sa enkapsulasyon ng datagramo.

Ayon sa kasaysayan, ang IP ay ang serbisyo ng datagramo na walang ugnay o walang koneksiyon (hindi kailangan ng pagkunekta) sa orihinal na Transmission Control Program (TCP) o "Programa sa Kontrol ng Transmisyon" na ipinakilala nina Vint Cerf at Bob Kahn noong 1974; ang isa pa ay ang nangangailangan ng pag-ugnay o pagkunektang Transmission Control Protocol (TCP) o "Protokolo sa Kontrol ng Transmisyon". Kaya't ang Internet Protocol Suite ay madalas na tinutukoy bilang TCP/IP.

Ang unang pangunahing bersyon ng IP, na kasalukuyang tinatawag na Internet Protocol Version 4 (IPv4) ay ang nangingibabaw na protokolo ng Internet, bagama't ang kapalit na Internet Protocol Version 6 (IPv6) ay nasa masigla at lumalaki nang pagpapalaganap sa buong mundo.



InternetKompyuter Ang lathalaing ito na tungkol sa Internet at Kompyuter ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.