Puella Magi Madoka Magica

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Puella Magi Madoka Magica
魔法少女まどか★マギカ
(Mahō Shōjo Madoka Magika)
Genre Magical girl
Telebisyong Anime
Direktor Akiyuki Shinbo
Tagasulat Gen Urobuchi
Tagalikha Yuki Kajiura
Studyo Watawat ng Japan Shaft
Tagalisensya Watawat ng Japan Aniplex
Orihinal na Pagpapalabas Enero 7, 2011Abril 21, 2011
Ang Portada ng Anime at Manga

Ang Puella Magi Madoka Magica (魔法少女まどか★マギカ Mahō Shōjo Madoka Magika?, Magical Girl Madoka Magica) ay isang Hapones na seryeng pantelebisyon na anime na ipapalabas ng Shaft at Aniplex. Ginabayan ang serye ni Akiyuki Shinbo, disenyong pangtauhan no Ume Aoki kasama si Takahiro Kishida na ginawa ang adapsiyong disenyong pangtauhan at isusulat ni Gen Urobuchi. Ginawa naman ni [Yuki Kajiura]] ang anta para sa seryeng anime.[1] Unang inanunsiyo ang serye sa pangkalakalan (commercial) na haligi[kailangang linawin] sa tuwing seryeng anime na Togainu no Chi.[2]

Balangkas[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa piksyunal na lungsod ng Mitakahara sa bansang Hapon, isang mag-aaral sa gitnang paaralan na si Madoka Kaname at ang kanyang kaibigan na si Miki Sayaka ay natagpo ang isang maliit at mala-pusa na nilalang na nagngangalang Kyubey. Ito ay nagalok ng isang kontrata kung saan maaring matupad ang isang hiling kapalit ng kapangyarihang mahika at trabahong makipaglaban sa mga "witch". Samantala, isang bagong lipat na mag-aaral at magical girl na si Homura Akemi ay pinipigilang makipagkontrata kay Kyubey. Tapos nakilal nila Madoka at Sayaka si Mami Tomoe, isang mas nakakatandang magaaral sa kanilang paaralan na isa ring magical girl at inalok na isama sila sa kanyang pakikiplaglaban sa witch para matutunan ang mga tungkulin sa pagiging isang magical girl.

Habang tinatanto ni Madoka kung makikipagkontrata kay Kyubey, nasaksi niya ang pagkamatay ni Mami sa kamay ng isang witch at natanto niya na puno ng panganib at paghihirap ang buhay ng isang magical girl. Nalaman ni Madoka na hindi lamang sinusuko ng isang magical girl ang kanilang kaluluwa upang mabuo ang kanilang mga soul gem, ang pinagmulan ng kanilang mahika, ngunit kapag ang mga Soul Gem na ito ay nadungisan ng kawalan ng pag-asa, sila mismo ay magiging mga witch na kanilang nilalabanan sa simula. Ito ay nakita nang si Sayaka, nanawalan ng tiwala sa mundo, ay tuluyang nawalan ng pagasa at naging witch. Ibinunyag na alien si Kyubey at ang kanilang lahi ay inaani ang mga emosyon ng mga magical girl bilang enerhiya kontra sa entropiya. Nalaman rin ni Madoka na si Homura ay isang magical girl na nagmula sa ibang daloy ng oras na inulit ay parehas na buwan na hindi mabilang na beses upang iligtas siya sa isang masamang tadhana. Matapos ang mga rebelasyon, napagdesisyunan ni Madoka na maging magical girl at hiniling na pigilan ang mga witch bago sila malikha. Ito ay ikinabago ng mga batas ng uniberso, na nagdulot na maging konsepto na lamang si Madoka at si Homura bilang ang natatanging nakakaalala sa kanya sa isang bagong likha na mundo.

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]


Ugnay Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]



Anime Ang lathalaing ito na tungkol sa Anime ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.