Puke ng tao
| Puki | |
|---|---|
| Mga organo ng pambabaeng sistemang reproduktibo, na makikita ang puki sa gitna. | |
| Bulva na kasama ang bukana ng puki | |
| Latin | "kaluban", "suksukan", o "kaloban" |
| Batay kay Gray | paksa bilang 269 1264 |
| Arterya (ugat) | pang-itaas o superyor na bahagi ng arteryang uterino (arteryang pangbahay-bata), gitna at inperyor o pang-ilalim na mga bahagi ng arteryang bahinal (arteryang pampuki) |
| Bena (ugat) | uterovaginal venous plexus, benang pampuki |
| Nerbiyo | Sympatetiko: lumbar splanchnic plexus Parasimpatetiko: pelvic splanchnic plexus |
| Limpa | pang-itaas na bahagi ng mga internal iliac lymph node, pang-ibabang bahagi ng mga superficial inguinal lymph node |
| Prekursor (pauna) | sinus na urohenital at mga duktong paramesonepriko |
| MeSH | Vagina |
| Dorlands/Elsevier | Vagina |
Ang puke o puki o kiki o kike[1] ay ang pisikal na pantukoy sa kasarian ng mga kababaihan sa ilang mga hayop kabilang ang mga tao. Dito lumalabas ang ihi at buwanang daloy at dito pinapasok ang titi o ari ng lalaki para sa reproduksyon. Sa tao, ito'y may patayong butas at tinutubuan ng bulbol ang ibabaw. Sa butas na ito pinapasok ang tite para lumabas ang semilya ng lalaki.
Sa Ingles, kilala ang puke bilang vagina, na nagmula sa Latin na vāgīna, literal na may kahulugang "sheath" o "scabbard", na may ibig sabihing "suksukan", "kaluban" o "kaloban".[2][3] Kilala rin sa tawag na puke, pekpek, buday, pepe, puday, at putay sa ibang mga probinsiya sa Pilipinas. Ito ay ang reproduktibong bahagi ng babae. Ito rin ang daluyan ng ihi ng mga babae. Sa pagtatalik, dito ipinapasok ng lalaki ang kanyang titi o ari tuwing nagtatalik at sa sandaling lumabas ang tamod (o semilya) sa titi ay dumaraan ito sa loob ng kiki hanggang ang iilang selulang isperma ay makarating sa obaryo para maging isang selulang itlog ng babae. Ito rin ang nagsisilbing daanan ng sanggol sa sandaling manganganak na ang isang babae.
Mga nilalaman |
Mga tungkulin [baguhin]
Bilang isang pitak na parang tubo na pibromaskular (mahibla at mamasel o malaman), ang puke ay isang organong pampagtatalik na mayroong dalawang pangunahing tungkulin: isa itong kasangkapan para sa pakikipagtalik at sa panganganak. Bukod sa dalawang pangunahing tungkuling ito, mayroon pa itong ibang mga gampanin.
Paglalabas [baguhin]
Ang puke ay naglalabas ng dugo at ng tisyung biyolohikal sa panahon ng pagreregla. Ang mga pasador o mga tampon ay maaaring gamitin upang sipsipin ang ilan sa mga dugong lumalabas sa panahon ng menstruasyon.[4]
Pagbubuntis [baguhin]
Ang semilya o isperma ay kailangang mailagay sa ibaba ng puke na malapit sa sipit-sipitan (serbiks), o sa pabilog na buklod ng masel na nasa pasukan papunta sa bahay-bata, at mapertilisa (mapunlayan) ang obum (itlog ng babae) upang magdalangtao ang isang babae. Sa normal na panganganak, ang mga sanggol ay lumalabas sa pamamagitan ng pagdaang lumalagos sa puke.
Panganganak [baguhin]
Habang nanganganak ang isang babae, ang puke ay gumaganap bilang isang "lagusan" o "landas" upang makaraan ang sanggol. Habang nanganganak ang isang babae, ang puke ay napaka nababanat at bumubuka na mas malaki at mas maluwang kaysa sa karaniwang nitong diyametro (bantod).
Gawaing pampagtatalik [baguhin]
Kapag ang babae ay napukaw na seksuwal, nakadarama siya ng mga sensasyon o damdaming kaaya-aya sa loob ng rehiyon ng kaniyang henitalya. Ang puki ay nagkaroon ng kalaparan o lumuluwag na umaabot sa 8.5 cm (4 na mga pulgada), subalit maaaring maging mas malaki kapag nadagdagan ng estimulasyon o pagpukaw.[5] Habang nagaganap ang pagtatalik, ang titi ng lalaki ay inilalagay sa loob ng puki ng babae. Ang puki ay mainit at malambot, at naglalagay ito ng presyon sa titi ng lalaki, na maaaring makapagbigay ng damdaming mabuti para sa kapwang magkapareha at karaniwang nakakagawa na ang lalaki ay magkaroon ng isang orgasmo pagkaraan ng paulit-ulit na mga pag-indayog at pag-ulos (pagduldol). Hinggil sa orgasmo sa kababaihan, ang puki ay mayroong mas malaking kakauntian ng mga dulo ng mga nerbiyo ("ugat" o nerb) kaysa sa tinggil, at dahil sa gayon ang paghagod o paglalagay ng hindi nagbabagong presyon o diin sa tinggil ay karaniwang kailangan upang matulungan ang babae upang makarating o makaabot sa orgasmo.[6][7][8] Habang nagaganap ang orgasmo ng lalaki, naglalabas siya ng tamod mula sa kaniyang titi na papasok sa loob ng puki. Ang tamod o semen ay naglalaman ng semilya (esperma), na maaaring maglakbay mula sa puki papasok sa bahay-bata upang pertilisahin ang obum (itlog ng babae) at gawing nagdadalangtao (buntis) ang isang babae. Ang lalaki ay maaari ring magkaroon ng isang orgasmo at magpakawala ng semen papaloob sa kiki ng babae kahit na hindi maaaring mabuntis ang babae, katulad ng kapag ang babae ay gumagamit ng pampigil sa pag-aanak, bagamang walang pampigil sa pag-aanak na talagang 100% ang pagiging mabisa.
Ang G-spot (literal na "dakong G" o "lugar ng G") ay nilalarawan o binibigyang kahulugan bilang isang napaka sensitibong pook na malapit sa pasukang nasa loob ng puki ng tao.[9] Kapag pinukaw o nilagyan ng estimulasyon, humahantong ito sa isang malakas na orgasmo o pagpapalabas ng babae sa ilang kababaihan.[10][11][12] Mayroong ilang mga manggagamot at mga mananaliksik na nagsasagawa ng espesyalisasyon sa anatomiya ng mga babae na naniniwala na ang G-spot ay hindi umiiral, at, kung umiiral man ito, isa itong dugtong ng tinggil.[13][14][15][16]
Mga sanggunian [baguhin]
- ↑ Philippine Online Dictionary (Talasalitaang Pang-Pilipinas sa Internet)
- ↑ vagina, kaluban, lingvozone.com
- ↑ vagina, kaluban, bansa.org
- ↑ "All about Menstruation". http://kidshealth.org/teen/sexual_health/girls/menstruation.html. Nakuha noong 2010-05-14.
- ↑ "Does size matter". TheSite.org. http://www.thesite.org/sexandrelationships/havingsex/performanceproblems/doessizematter. Nakuha noong 2006-08-12.
- ↑ Wayne Weiten, Dana S. Dunn, Elizabeth Yost Hammer (2011). Psychology Applied to Modern Life: Adjustment in the 21st Century. Cengage Learning. p. 386. ISBN 1-111-18663-4, 9781111186630. http://books.google.com/books?id=CGu96TeAZo0C&pg=PT423&dq=&hl=en&sa=X&ei=MwIGT-jxEojU2AWzv5ylCg&ved=0CDwQ6AEwAA#v=onepage&q=false. Nakuha noong Nobyembre 14, 2012.
- ↑ "I'm a woman who cannot feel pleasurable sensations during intercourse". Go Ask Alice!. 8 Oktubre 2004 (Huling Naisapanahon/Muling Nasuri noong 17 Oktubre 2008). Archived from the original noong Enero 7, 2011. http://web.archive.org/web/20110107184029/http://www.goaskalice.columbia.edu/3229.html. Nakuha noong Nobyembre 14, 2012.
- ↑ Marshall Cavendish Corporation (2009). Sex and Society, Volume 2. Marshall Cavendish Corporation. pp. 960 pages. ISBN 0761479074, 9780761479079. http://books.google.com/books?id=YtsxeWE7VD0C&pg=PA590&lpg=PA590&dq=&source=bl&ots=YYqnMyUDID&sig=_rwzCljz5MBKMvG_0MsJILX7-HA&hl=en&sa=X&ei=sn0uUO-JOZDy2gWw6IHwAw&ved=0CF0Q6AEwCDgy#v=onepage&q&f=false. Nakuha noong Nobyembre 14, 2012.
- ↑ Darling, CA; Davidson, JK; Conway-Welch, C. (1990). "Female ejaculation: perceived origins, the Grafenberg spot/area, and sexual responsiveness.". Arch Sex Behav 19: 29–47. doi:10.1007/BF01541824.
- ↑ Crooks, R; Baur, K. Our Sexuality. California: Brooks/Cole.
- ↑ Jannini E, Simonelli C, Lenzi A (2002). "Sexological approach to ejaculatory dysfunction.". Int J Androl 25 (6): 317–23. doi:10.1046/j.1365-2605.2002.00371.x. PMID 12406363.
- ↑ Jannini E, Simonelli C, Lenzi A (2002). "Disorders of ejaculation.". J Endocrinol Invest 25 (11): 1006–19. PMID 12553564.
- ↑ Hines, T (August 2001). "The G-Spot: A modern gynecologic myth". Am J Obstet Gynecol 185 (2): 359–62. doi:10.1067/mob.2001.115995.
- ↑ O'Connell HE, Sanjeevan KV, Hutson JM (Oktubre 2005). "Anatomy of the clitoris". The Journal of Urology 174 (4 Pt 1): 1189–95. doi:10.1097/01.ju.0000173639.38898.cd. PMID 16145367. Time for rethink on the clitoris: Lay summary – BBC News (11 Hunyo 2006).
- ↑ Kilchevsky A, Vardi Y, Lowenstein L, Gruenwald I. (Enero 2012). "Is the Female G-Spot Truly a Distinct Anatomic Entity?". The Journal of Sexual Medicine 2011. doi:10.1111/j.1743-6109.2011.02623.x. PMID 22240236. G-Spot Does Not Exist, 'Without A Doubt,' Say Researchers - Lay summary – Huffington Post (Enero 19, 2012).
- ↑ Alexander, Brian (Enero 18, 2012). "Does the G-spot really exist? Scientists can't find it". MSNBC.com. http://todayhealth.today.msnbc.msn.com/_news/2012/01/18/10177335-does-the-g-spot-really-exist-scientist-cant-find-it. Nakuha noong Marso 2, 2012.