Puma yagouaroundi

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Haguarundi

Jaguarundi[1]
Conservation status
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Mammalia
Orden: Carnivora
Pamilya: Felidae
Sari: Puma
Espesye: P. yagouaroundi
Pangalang dalawahan
Puma yagouaroundi
(Geoffroy, 1803)

Ang Puma yagouaroundi, Herpailurus yagouaroundi, o haguarundi (Ingles: jaguarundi) ay isang nasa gitnang laking mabangis na pusa sumasakop sa katimugang Tehas ng Estados Unidos sa timog hanggang sa Timog Amerika. Karaniwang haba nito ang 65 sentimetro (30 mga pulagada) na may 45 sentimetrong (20 mga pulgada) buntot at bigat na mga 6 na mga kilogramo (13.2 mga libra). Mayroon itong maiiksing mga hita at anyong kahawig ng isang oter; maiikli ang mga tainga at bilugan. Walang mga tuldok ang mga balahibo o balat nito, na magkakatulad ang kulay, nag-iiba mula sa initiman magpahanggang makayumangging abuhin (yugtong abuhan) o mula mamulamula hanggang kastanyas (yugtong pula).

Etimolohiya at pagpapangalan[baguhin]

Dating iniisip na ang dalawang mga yugto ng kulay bilang kinatawan ng dalawang mga uri: ang abong pusang tinatawag na haguarundi, at ang pulang pusang kilala bilang eyra. Subalit iisa lamang ang mga uring ito at matatagpuan ang bawat yugto sa kanilang mga kuting. Walang mga marka ang kanilang balat at balahibo maliban na lamang sa mga tuldok kapag bagong silang. Sa ilang mga bansang nagsasalita ng Kastila, kilala rin ang haguarundi bilang leoncillo o leonsilyo na may ibig sabihing "maliit na leon" o "munting liyon". Kabilang pa sa mga Kastilang kapangalanan nito ang gato colorado o kinulayang pusa, gato moro, león brenero, onsa (mula sa onza), at tigrillo o tigrilyo, nangangahulugang "maliit na tigre".[2]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Wozencraft, W. C. (16 Nobyembre 2005). Wilson, D. E., at Reeder, D. M. (mga patnugot). ed. Mammal Species of the World (ika-3 edisyon ed.). Palimbagan ng Pamantasang Johns Hopkins. pp. 545. ISBN 0-801-88221-4. http://www.bucknell.edu/msw3. 
  2. 2.0 2.1 Caso, A.; Lopez-Gonzalez, C.; Payan, E.; Eizirik, E.; de Oliveira, T.; Leite-Pitman, R.; Kelly, M.; at Valderrama, C. (2008). Puma yagouaroundi. 2008 IUCN Red List of Threatened Species. IUCN 2008. Hinango noong 1 Enero 2009. Kabilang sa ipinasok na kalipunan ng dato ang dahilan kung bakit kabilang ang mga uring ito sa hindi gaanong ikinababahala ang antas ng pag-iral.