Q (himpilang pantelebisyon)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
QTV Network
Uri Himpilang pantelebisyon na pang-broadcast
Bansa Flag of the Philippines Pilipinas
Lugar na maaaring maabutan National
Binuo ni/nina by Eddie Villanueva
May-ari GMA Network, Inc.
(Mga) Pangunahing tauhan Eddie Villanueva, Chairman, ZOE-TV
Felipe Gozon CEO, GMA Network
Petsa ng pagpapalabas 11 Nobyembre 2005
Opisyal na websayt QTV.com.ph

Ang Q o Quality TeleVision (QTV) ay isang dating himpilang pantelebisyon ng GMA Network, Inc. Ang network ay nabuo nang ang GMA at ang ZOE Broadcasting Network ay nagkaroon ng kasunduan na iparenta ang buong airtime block ng punong himpilan ng ZOE-TV, ang DZOE-TV Channel 11. Ang Q ay sumahimpapawaid ng mga programa para sa mga kababaihan at kanilang mga suliranin.

Noong 28 Pebrero 2011, pinalitan ang Q ng GMA News TV.

Pinagmulan[baguhin | baguhin ang batayan]

ZOE Broadcasting Network[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang network ay nabuo nang makuha ng dalawang maimpluwensiyang groupong panrelihiyon na kinabibilangan ng El Shaddai sa pangunguna ni Bro. Mike Velarde at ang Jesus Is Lord Movement ni Bro. Eddie Villanueva noong kalagitnaan ng dekada 90.

Citynet Television[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang GMA Network ay sinubukang sumanga sa pagsasahimpapawid sa UHF sa pamamagitan ng Citynet Television 27 noong 1995. Dahil ang pangunahing kalaban nito ang Studio 23 ng ABS-CBN, ang bagong himpilan ay mayroon ring mga programa galing sa Estados Unidos. Noong 1999, ang Star TV ay nay nagkaroong ng kasunduan sa Citynet para sa pagpapalabas ng Channel V Philippines. Dahil sa kawalan ng kita, ipinasara ang Citynet noong Pebrero 2001.

Kasunduang blocktime[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa unang bahagi ng 2005, nagkaroon ng kasunduan ang Citynet at ZOE-TV nang iparenta nila ang buong airtime block ng kanilang pangunahing himpilan, ang DZOE-TV 11. Kapalit nito ang pag-aupgrade ng mga pasilidad ng ZOE at ang pagpapalabas ng mga programa nito sa GMA Network tuwing hatinggabi ng Lunes pagkatapos ng kanilang panglinggong primetime TV block.

Ang himpilan ng Q sa Kalakhang Maynila ay gumagamit ng 120 kW na transmitter tower na matatagpuan sa Tadang Sora, Lungsod Quezon, ang parehong transmitter na ginagamit ng GMA-7.

Noong 18 Marso 2007, binago nila ang kanilang pangalan bilang "Q".

Mga palabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Q ay gumagawa ng mga palatuntunan na tumutugon sa pamilyang Pilipino. Ang karamihan sa kanilang mga palabas ay para sa mga Pilipinong kababaihan at ito ay ginawa ng GMA Network. Tuwing umaga, ang mga palabas ng Q ay galing sa ibang bansa na dating ipinalabas sa GMA.

Kompetisyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pangunahing kalaban ng himpilang ito sa Kalakhang Maynila ay ang Studio 23 ng ABS-CBN. Sa mga unang buwan ng paglunsad ng Q, sila ang himpilan ng telebisyon na pangatlong pinakamataas sa ratings sa Mega Manila. Tinalo nito ang ABC-5. Ngunit simula nang ilunsad ang himpilang ito, ang SkyCable, isa sa mga sangay ng ABS-CBN ay hindi binigyan ng channel designation ang Q sa kanilang lineup.

Mga islogan[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Kuwento Natin 'to: Unang islogan ng QTV nang ito ay inilunsad
  • Cool ka Q!: islogan ng QTV noong tag-init ng 2006
  • Mega to the Max ang May: islogan ng QTV noong Mayo 2006
  • Thank You Ka-Q, Isang taon na tayo!
  • 'Something Better is Waiting For You! Be On Q- Islogan ng Q nang baguhin nila ang kanilang pangalan noong Marso 2007

Mga kaugnay na artikulo[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga link na panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]