Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera
Cordillera Administrative Region
Mapa ng Pilipinas na nagpapakita ng kinaroroonan ng  Rehiyong Pampangasiwaan ng CordilleraCordillera Administrative Region
Sentro ng rehiyon Baguio City
Populasyon

 – Densidad

1,365,220
75 bawat km²
Lawak 18,294 km²
Dibisyon

 – Lalawigan
 – Lungsod
 – Bayan
 – Barangay
 – Distritong pambatas


6
1
76
1176
7
Wika Ilokano, Kalinga, Kankanaey, Ifugao, Itneg, Isneg, Pangasinese, at iba pa

Ang Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera (opisyal: Cordillera Administrative Region, CAR) ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa hilagang Luzon na binubuo ng mga lalawigan ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province. Sakop ng rehiyon ang halos lahat ng lupain ng Kabundukan ng Cordillera, ang pinakamataas na bulubundukin sa Pilipinas. Ito lamang ang rehiyon sa Pilipinas na hindi napaliligiran ng tubig. Ang rehiyong ito ang tirahan ng mga katutubong tribong tinatawag na Igorot.

Kasaysayan[baguhin]

Noong kahapon naisabatas ang Republic Act No. 4695[1] na naghahati sa Mountain Province sa apat na magkakahiwalay na mga lalawigan, ang Benguet, Mountain Province, Ifugao at Kalinga-Apayao.

Bago nabuo ang ang Rehiyon Pampangasiwaan ng Cordillera, ang apat na lalawigan, ang Benguet, Mountain Province, Ifugao at Kalinga-Apayao ay bahagi ng Lambak ng Cagayan, samantalang agn Abra ay nakapangkat sa Ilocos.

Noong 15 Hulyo 1987, iniutos ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Executive Order No. 220 na lilikha sa Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera, na kinabibilangan ng Mountain Province, Benguet, Ifugao, Kalinga-Apayao at isinama ang lalawigan ng Abra bilang bahagi nito.

Noong 14 Pebrero 1995, ang lalawigan ng Kalinga-Apayao, isa sa limang lalawigan ng rehiyon ay hinati sa dalawang magkahiwalay na lalawigan, ang Apayao at Kalinga.[1]

Heograpiya[baguhin]

Mapang Pampolitika ng Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera

Pampolitika na dibisyon

Lalawigan/Lungsod Kapital Populasyon
(2000)
Area
(km²)
Kapal ng pop.
(per km²)
Ph seal abra.png Abra Bangued 209,491 3,975.6 52.7
Ph seal apayao.png Apayao Kabugao 97,129 3,927.9 24.7
Ph seal benguet.png Benguet La Trinidad 330,129 2,599.4 127.0
Ph seal ifugao.png Ifugao Lagawe 161,623 2,517.8 64.2
Ph seal kalinga.png Kalinga Tabuk 174,023 3,119.7 55.8
Ph seal mountain province.png Mountain Province Bontoc 140,439 2,097.3 67.0
Ph seal baguio.png Lungsod ng Baguio 252,386 57.5 4,839.3

¹Ang Lungsod ng Baguio ay isang mataas na urbanisadong lungsod; ang estadistika nito ay hiniwalay sa Benguet.

Mga sanggunian[baguhin]