Republikang Dominikano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Huwag ikalito sa Dominika.
Republikang Dominikana
República Dominicana
Pambansang Kasabihan: 
Pambansang Awit: 

Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Santo Domingo
18°30′N 69°59′W / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Opisyal na wika Kastila/Espanyol
Pamahalaan Republikang Pampanguluhan
 -  Pangulo Danilo Medina
Kalayaan mula sa Haiti 
 -  Petsa Pebrero 27, 1844 
Lawak
 -  Kabuuan 48,442 km2 (ika-130)
18,810 sq mi 
 -  Katubigan (%) 1.6
Populasyon
 -  Pagtataya ng Hulyo 2006 9,183,984 (ika-87)
 -  Senso ng 2002 8,562,541 
 -  Kakapalan 182/km2 (ika-58)
474/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2005
 -  Kabuuan $67.410 bilyon (ika-68)
 -  Per capita $7,611 (ika-81)
Gini (2003) 51.7 (mataas
TKT (2004) Increase 0.751 (katamtaman) (ika-94)
Salipi Piso (DOP)
Pook ng oras (UTC-4)
Internet TLD .do
Kodigong pantawag 1-809 at +1-829

Ang Republikang Dominikana (Ingles: Dominican Republic; Kastila: República Dominicana) o Dominikana ay isang bansa sa pulo ng Hispaniola, bahagi ng kapuluan ng Kalakhang Antillas (Greater Antilles) sa rehiyon ng Karibe. Ang tatlong-kawalo ng kanluran ng pulo ay sakop ng bansang Haiti,[1][2], dahilan upang ang Hispaniola ay maging isa sa dalawang pulo ng Karibe, kasama ng Saint Martin, na pinagsasaluhan ng dalawang bansa. Kung tutukuyin ang lawak at populasyon, ang Republikang Dominikana ang ikalawang pinakamalaking bansa sa Karibe (sunod sa Cuba), taglay ang 48,445 km2 (18,705 sq mi) at halos 10 milyong katao, isang milyon dito ay nakatira sa kabiserang-lungsod, ang Santo Domingo.[3][4]

Ang Republikang Dominikano ang ikasiyam na may pinakamalaking ekonomiya sa Latin Amerika at ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa rehiyon ng Karibe at Gitnang Amerika.[5] Bagama't matagal nang kilala ang bansa sa agrikultura at pagmimina, ang ekonomiya ay pinangungunahan ngayon ng mga paglilingkod o serbisyo.[6] Ang pag-unlad pang-ekonomiya ng bansa ay ipinakikita nito sa nauuna nitong sistema ng telekomunikasyon at imprastraktura ng transportasyon. Gayunpaman, nananatiling malalaking suliranin ng bansa ang kawalan ng trabaho, katiwalian sa pamahalaan, at paputul-putol na serbisyo ng kuryente. Taglay din ng bansa ang "di-pantay-pantay na markadong kita".[6] Ang migrasyong palabas ay nakaaapekto nang malaki sa Republikang Dominikano, dahil maraming pumapasok at lumalabas na mga migrante sa bansa. Malaking suliranin ang paglipat ng mga taga-Haiti at ang pagkakaroon ng mga Dominikanong nagmula sa Haiti ang mga ninuno. Maraming mga Dominikano ang umaalis at nagtutungo sa Estados Unidos.[7] Nakapag-aambag ang mga ito sa pag-unlad ng bansa dahil nagpapadala sila ng mga bilyong dolyar sa kanilang mga pamilya.[6][8]

Pangalan at Sagisag[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa kabuuan ng kasaysayan (hanggang kalayaan nito) nito, ang kolonya ay dating kilala bilang Santo Domingo,[9] ang pangalan ng kasalukuyang kabisera nito, at ng santong patron nito, Santo Domingo. Ang mga mamamayan nito ay tinatawag na mga "Dominikanos", at ang mga rebolusyonaryo nito ay tinawag ang kanilang bagong bansa bilang "La República Dominicana". Kadalasang pinaiikli ang pangalan nito sa "Ang D.R."[10]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Hispaniola Article". Britannica.com. http://www.britannica.com/EBchecked/topic/266962/Hispaniola. Hinango noong 04 Ene 2014. 
  2. "Dominican Republic 2014". http://cardiostart.org/blog/. Hinango noong 24 Abr 2014. 
  3. "Embassy of the Dominican Republic, in the United States". http://www.domrep.org/gen_info.html. Hinango noong 27 Peb 2009. 
  4. "Estimaciones y Proyecciones de la Población Dominicana por Regiones, Provincias, Municipios y Distritos Municipales, 2008" (sa Kastila). Archived from the original noong 11 Mayo 2011. https://web.archive.org/web/20110511103811/http://www.conapofa.gov.do/__estimaciones_y_proyecciones/Estimacionesyproyecciones2008.zip. Hinango noong 25 Dis 2008.  Konteksto: Estimaciones; Población en Tiempo Real sa Wayback Machine (archived Agosto 8, 2011)
  5. "CIA – The World Factbook – Rank Order – GDP (purchasing power parity)". https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/rankorder/2001rank.html. Hinango noong 27 Peb 2009. 
  6. 6.0 6.1 6.2 "CIA – The World Factbook – Dominican Republic". Central Intelligence Agency (CIA). https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/dr.html. Hinango noong 04 Hun 2007. 
  7. "United States – Selected Population Profile in the United States (Dominican (Dominican Republic))". 2008 American Community Survey 1-Year Estimates. U.S. Census Bureau. http://factfinder.census.gov/servlet/IPTable?_bm=y&-reg=ACS_2008_1YR_G00_S0201:405;ACS_2008_1YR_G00_S0201PR:405;ACS_2008_1YR_G00_S0201T:405;ACS_2008_1YR_G00_S0201TPR:405&-qr_name=ACS_2008_1YR_G00_S0201&-qr_name=ACS_2008_1YR_G00_S0201PR&-qr_name=ACS_2008_1YR_G00_S0201T&-qr_name=ACS_2008_1YR_G00_S0201TPR&-ds_name=ACS_2008_1YR_G00_&-TABLE_NAMEX=&-ci_type=R&-redoLog=true&-charIterations=541&-geo_id=01000US&-geo_id=NBSP&-format=&-_lang=en. Hinango noong 10 Ene 2010. 
  8. "U.S. Relations With the Dominican Republic". United States Department of State. 22 Okt 2012. http://www.state.gov/r/pa/ei/bgn/35639.htm. 
  9. "Dominican Republic – The first colony". Country Studies. Library of Congress; Federal Research Division. http://countrystudies.us/dominican-republic/3.htm. Hinango noong 19 Hun 2008. 
  10. Kraft, Randy (27 Ago 2000). "Paradise On The Beach Resorst Are Beautiful In Caribbean's Punta Cana, But Poverty Is Outside The Gates". The Morning Call. Archived from the original noong 06 Ago 2012. http://www.webcitation.org/6IgYqdHQG. 


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.


Mga bansa sa Karibe

Antigua and Barbuda | Bahamas | Barbados | Cuba | Dominica | Dominican Republic | Grenada | Haiti | Jamaica | Saint Kitts and Nevis | Saint Lucia | San Cristobal at Nieves | San Vicente at ang Kagranadinahan | Trinidad and Tobago

Mga dumidepende: Anguilla | Aruba | British Virgin Islands | Cayman Islands | Guadeloupe | Martinique | Montserrat | Navassa Island | Netherlands Antilles | Puerto Rico | Turks and Caicos Islands | U.S. Virgin Islands