Republikang Romano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
ROMA
Republikang Romano

509 BK–27 BK
Sawikain
Senatus Populusque Romanus
"Ang Senado at ang Sambayanang Romano"
Location of Roman Republic
Probinsiyang Romano sa gabi ng pagpaslang kay Julius Caesar, c. 44 BC
Kabisera Roma
(Mga) wika Latin (imperial), Greek (administrative)
Relihiyon Politesmong Romano
Pamahalaan Republika,
Oligarchic demokrasya
Consul
 - 509–508 BK Lucius Junius Brutus, Lucius Tarquinius Collatinus
 - 27 BK Gaius Julius Caesar Octavianus, Marcus Vipsanius Agrippa
Tagapagbatas mga asambleyang Romano
Panahong pangkasaysayan Sinauang Panahon
 - Paggahasa kay Lucretia 509 BK
 - Caesar itinanghal na Habangbuhay na Diktador 44 BK
 - Labanan sa Actium 2 Octobre, 31 BK
 - Octavian ideneklarang Augustus 16 Enero
Lawak
 - 326 BK[1] 10,000 km² (3,861 sq mi)
 - 200 BK[1] 360,000 km² (138,997 sq mi)
 - 146 BK[1] 800,000 km² (308,882 sq mi)
 - 100 BK[1] 1,200,000 km² (463,323 sq mi)
 - 50 BK[1] 1,950,000 km² (752,899 sq mi)

Ang Republikang Romano ay ang kapanahunan ng Sinaunang kabihasnang romano na may Republikang uri ng pamahalaan. Nagsimula ang republika pagkatapos ibagsak ang Monarkiyang Romano noong 509 BC. Tumagal ito nang 450 taon bago humina, dahil sa digmaang sibil, at naging imperyo.

Sa unang dalawang siglo nito, ang Republika ay lumaki mula sa Gitnang Italya hanggang sa buong Mediterraneong mundo. Sa sumunod na siglo, ang Roma ay naging matatag sa Hilagang Aprika, Iberian Peninsula, Gresya, ang kasalukuyang Timog France at ang mga rehiyon sa silanganan. Dahil dito unti-unting naging imperyalistiko ang republika.

Kasaysayan[baguhin]

Natamo ng mga Romano ang kasanayan sa pamamahala sa ilalim ng mga Etruscan. Ang Rome ay nagsimula bilang isang siyudad-estado na pinamumunuan ng isang hari. Noong 509 B.C.E, inalis sa pwesto ng mga Romano si Tarquinius Superbus,ang hari ng Etruscan, at nagtatag sila ng isang Republika, ang pamahalaan. Naghalal sila ng dalawang konsul na puno ng hukbo upang magsilbi bilang punong mahistrado sa loob ng isang taon, ang bawat isa ay nagsilbing tagasubaybay ng bawat isa. Sa mga panahon ng kagipitan, ang senado na binubuo ng mga patrician na nanunungkulan habang buhay, ay patuloy na humahawak ng iba't-ibang pwesto. Sila'y nagpatibay ng mga batas at Humirang ng mga kandidato para sa mga katungkulan. Ang kapangyarihan sa pagpapataw ng buwis, ang deklarasyon ng patakarang panlabas at iba pang pakikipag-ugnayan ay kasama rito. Sa kabilang panig, ang Asemblea na binubuo ng lahat ng mamamayan ay may maliliit lamang na kapangyarihan. Bagamat sila'y nakaboto, ang bilang ng kanilang boto ay hindi gaanong pinahahalagahan kaysa sa mga patrician. Sa paglipas ng panahon maraming tanggapan ang nalikha. Gayunman, ang mga plebeian ay Hindi parin gaanong nakalalahok sa pamumuhay pampolitika at panlipunan sa Rome. Sila'y humihingi ng mga pagbabago. Noong 500 B.C.E. ang mga plebeian ay umalis sa syudad at nagtungo sa Mons Sacer at sila'y tumatangging bumalik hanggat hindi ibinibigay ang kanilang mga kahilingan. Ang mga patrician, sa wakas, ay sumuko at kanilang pinahintulutan ang mga plebeian na maghalal ng dalawang tribune.

Mga sanggunian[baguhin]



Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.