Rico Yan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Rico Yan ay isang artista sa Pilipinas. Ipinanganak na Ricardo Carlos Castro-Yan noong ika-14 ng Marso 1975, siya ay pumanaw sa batang edad na 27 noong ika-29 ng Marso 2002. Isa siyang sikat na personalidad sa Pilipinas. Siya ay isa sa mga pinakamatipuno at mahusay na artistang lalaki ng kanyang henerasyon. Siya ay inalagaan ng estasyong ABS-CBN at miyembro ng Star Magic. Siya ay nagtapos sa De La Salle University, sa kursong Business Management.

Pilmograpiya[baguhin]

2002 - Got 2 Believe bilang Lorenz Montinola

2001 - Whattamen (seryeng pantelebisyon)

1999 - Gimik: The Reunion bilang Ricky Salveron

1999 - Mula sa puso bilang Gabriel

1999 - Saan ka man naroroon (seryeng pantelebisyon) bilang Daniel

1998 - Kay tagal kang hinintay bilang Alex

1998 - Dahil mahal na mahal kita bilang Miguel

1997 - Paano ang puso ko? bilang Jason

1997 - Flames: The Movie bilang Joel (segment "Pangako")

1997 - Home Along da Riles 2 bilang Gabriel

1997 - Mula sa puso (seryeng pantelebisyon) bilang Gabriel

1996 - Madrasta bilang Dodie

1996 - Ama, ina, anak bilang Dennis

1996 - Gimik (seryeng pantelebisyon) bilang Ricky Salveron

1996 - Radio Romance bilang Gary Balmaceda


Mga nagawa[baguhin]

Si Rico Yan ang Youth Spokesperson ng Departamento ng Edukasyon sa Pilipinas bago siya pumanaw. Siya rin ang nagtayo ng organisasyong "Pinoy 'Yan!" na naglalayong panatiliing nagaaral at nagpapahalaga sa edukasyon ang mga kabataan. Tumulong rin siya sa "Are You A Forest King" Foundation kung saan bumibisita sila sa mga paaralan upang maipakita sa mga estudyante ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno.

Bilang isang negosyante, ang mga naipatayo niyang establisyamento ay ang restawran/bar na Tequila Joe's, Orbitz Pearl Shake, kapihang Timbuktu at isa pang restawran na Java Hut.

Pagpanaw[baguhin]

Si Rico Yan ay pumanaw sa murang edad na 27 dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis noong Biyernes Santo sa Dos Palmas Resort, habang nagbabakasyon kasama ang ilang kamaganak at kaibigan.

Ang kanyang nobya ng mga panahong ito ay isa ring premyadong artista ng Star Magic, si Claudine Barretto. Siya rin ang katambal ni Rico sa kanyang naging huling pelikulang Got 2 Believe.

Habang dinadala sa kanyang huling hantungan, pinaulanan ng confetti ang sasakyang naglalaman ng kanyang mga labi. Humigit kumulang 10,000 tao ang dumalo sa kanyang libing na ipinilabas sa ABS-CBN. Bahagi ng mga nalikom na pera sa kanyang pelikulang Got 2 Believe at ang lahat ng kinita ng dokumentaryong Forever Young: Remembering Rico kasama ang pelikulang Dahil Mahal Na Mahal Kita ay ibinigay sa Rico Yan Foundation.