Risa Hontiveros-Baraquel

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Risa Hontiveros
Risa Hontiveros-Baraquel

Panunungkulan
30 Hunyo 2004 – 30 Hunyo 2010

Kapanganakan 24 Pebrero 1966 (1966-02-24) (edad 48)
Maynila
Kabansaan Pilipino
Partidong politikal Akbayan
Asawa Francisco Baraquel Jr.
Kamag-anak Pia Hontiveros (kapatid)
Tirahan Lungsod Quezon
Alma mater Pamantasang Ateneo de Manila
Hanapbuhay mambabatas, mamamahayag
Relihiyon Katoliko Romano

Si Risa Hontiveros (ipinanganak bilang Ana Theresia Hontiveros noong 24 Pebrero 1966 sa Maynila [1] ay isang Pilipinong politiko at aktibista na kumatawan sa Akbayan Partylist sa Mababang Kapulungan ng Kongreso mula 2004-2010.

Bago ang kanyang pagpasok sa politika, isang mamamahayag si Hontiveros na nagbigay sa kanya ng karangalan bilang Golden Dove Awards' Best Female Broadcaster ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). Nagkamit din siya ng nominasyon mula sa Nobel Peace Prize noong 2005 dahil sa kanyang natatanging kontribusyon para sa pagdaloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas at ng National Democratic Front mula 1998 hanggang 1999.

Sa anim na taong pamamalagi niya sa Kamara bilang kongresista, si Hontiveros ang pangunahing naglathala ng Cheaper Medicines Law at Comprehensive Agrarian Reform Program Extension With Reforms (CARPER) Law sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Nilathala rin niya ang ilang panukalang batas tulad ng Anti-Prostitution Bill, Anti-Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) Discrimination Bill, at ang Students' Rights and Welfare (STRAW) Bill.

Noong 2010, tumakbo si Hontiveros bilang Senador sa ilalim ng tiket ng ngayo'y pangulo na si Benigno Aquino III. Bagamat hindi pinalad, nagtapos sa ika-labintatlong puwesto si Hontiveros sa karera sa pagka-senador - na isang puwesto lamang ang pagitan sa ika-labindalawang panalong senador. Sa kasalukuyan, siya ang Tagapangulo ng Akbayan Partylist, at isa sa mga prominenteng personalidad sa kampanya para sa pagsasabatas ng Reproductive Health (RH) Bill sa Kongreso.

Mga kawing na panlabas[baguhin]


Mga Sanggunian[baguhin]



PilipinasPolitiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.