Robert E. Lee

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Robert Edward Lee
Enero 19 1807Oktubre 12 1870 (edad 63)
Robert Edward Lee.jpg
Robert Edward Lee
Pook ng kapanganakan Stratford Hall, Virginia
Pook ng kamatayan Lexington, Virginia
Pinapanigan Nagkakaisang mga Estado ng Amerika
Kumpederadong mga Estado ng Amerika
Taon ng paglilingkod 1829–61 (USA)
1861–65 (CSA)
Hanay Koronel (USA)
Heneral (CSA)
Atasan Hukbo ng Hilagang Virginia
Labanan/digmaan Digmaang Mehikano-Amerikano
Digmaang Sibil ng Amerika
Ibang gawain Pangulo ng Pamantasang Washington at Lee

Si Robert Edward Lee[1] (Enero 19, 1807Oktubre 12, 1870) ay isang heneral ng hukbo ng Kumpederadong mga Estado ng Amerika. Pinamunuan niya ang Hukbo ng Hilagang Virginia noong kapanahunan ng Digmaang Sibil ng Amerika. Itinuturing pa rin siyang isa sa mga magigiting na heneral ng Amerika, bagaman nagsimula lamang siya bilang isang inhinyero, na unti-unting tumaas sa hanay ng mga kawal.

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinanganak siya sa Stratford, sa tahanan ng mga Lee sa Westmoreland County, Virginia ng Estados Unidos noong 1807. Mga magulang niya sina "Light-Horse Harry" Lee at Anne Hill Carter. Isang heneral ni George Washington si Light-Horse Harry at isa ring dating gobernador ng Virginia.[1]

Edukasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Pagkaraan niyang mag-aral sa Alexandria, sa edad na 18, pumasok siya sa akademyang pangmilitar ng West Point. Nagtapos siya mula sa akademya noong 1829. Noong 1831, kung kailan isa na siyang tenyente, napangasawa niya si Mary Randolph Custis, isang apo ni Martha Washington.[1]

Karera[baguhin | baguhin ang batayan]

Nakilala siya noong panahon ng pakikidigma sa Mehiko (1846-48), kung kailan isa na siyang kapitan at inhinyero, dahil sa ipinakita niyang katapangan sa pook ng hidwaan. Nang lumaon naging superintendente siya sa akademya ng mga militar at komandante ng Kagawaran ng Texas. Naging koronel siya noong 1861.[1]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]