Robin Padilla
Robin Padilla | |
---|---|
Senador ng Pilipinas | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan Hunyo 30, 2022 | |
Personal na detalye | |
Isinilang | Robinhood Fernando Cariño Padilla 23 Nobyembre 1969[1] Manila, Pilipinas |
Asawa |
|
Domestikong kapareha | Leah Orosa |
Trabaho | Aktor Politiko |
Palayaw | Binoe/Binoy |
Si Robin Padilla o Robinhood Fernando Cariño Padilla (isinilang noong Nobyembre 23, 1969) ay isang artista at senador sa Pilipinas.
Nauna si Padilla sa halalan para sa Senado noong 2022, kung saan nakakuha siya ng 27 milyong boto, ang pinakamaraming boto para sa isang Senador sa kasaysayan ng halalan sa Pilipinas. Siya ay nanunungkulan sa senado noong Hunyo 30, 2022, at naging kauna-unahang senador na Muslim ng Pilipinas mula noong kay Santanina Rasul, na nagsilbi sa Senado hanggang 1995.[2][3]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Robinhood Fernando Cariño Padilla ay ipinangaanak noong Nobyembre 23, 1969. Isa siyang Philippine Action Movie Star at kinilala bilang Bad Boy of the Philippine Movie. Ginawa niya ang mga pelikulang Sa Diyos Lang Akong Susuko, Anak ni Baby Ama, Grease Gun Gang, Bad Boy at You and Me Against the World.
Gumawa ng mga pelikula si Robin Padilla sa VIVA Films, Star Cinema Productions Inc., FLT Films International, at GMA Films. Nakasama niya ang Megastar na si Sharon Cuneta sa mga pelikulang Maging Sino Ka Man, Di Na Natuto at Pagdating Panahon. Pati si Regine Velasquez ay kanyang nakatambal sa mga pelikula ng Kailangan Ko'y Ikaw at Till I Met You.
Karera sa pulitika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Oktubre 8, 2021, naghain si Padilla ng kanyang certificate of candidacy para sa senador sa ilalim ng PDP–Laban para sa 2022 election.[4] Kabilang sa kanyang mga plataporma ang pagtutulak ng mga hakbang laban sa kriminalidad, pagsugpo sa iligal na droga, pagtatatag ng pederalismo at pagsasabatas ng community policing.[5] Ipinahayag ni Padilla na tutol din siya sa pagbibigay ng mga insentibo sa buwis para sa mga dayuhang mamumuhunan at naglalayong taasan ang pinakamababang kita ng mga pamilyang Pilipino upang hikayatin ang mga Overseas Filipino Workers na umuwi. Sinabi rin niya na kukuha siya ng mga abogado upang tulungan siyang magbalangkas ng mga batas kung manalo siya.[6]
Nanalo si Padilla ng puwesto sa Senado, nanguna siya sa bilang ng mga boto.[2] Naniniwala siyang ito ang kanyang plataporma sa pederalismo at hindi lamang ang kanyang kasikatan bilang isang aktor ang humantong sa kanyang pagkapanalo.[7] Si Senador Win Gatchalian, na isang reeleksyonista at nasa koalisyon ng UniTeam Alliance tulad ni Padilla, ay nagbigay ng garantiya para kay Padilla bilang kinatawan ng mga Muslim sa Senado.[8] Kasunod ng kanyang pagkapanalo, inihayag ni Padilla na kukuha siya ng abogadong si Salvador Panelo para tulungan siyang gampanan ang kanyang tungkulin bilang senador.[9]
Mga pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1985 – Mas Maiinit ng Kanin .... Bilang Ariel
- 1985 – Bala Ko Ang Hahatol .... Bilang Gino
- 1986 – Public Enemy #2 .... Bilang Elmer
- 1987 – Bagets Gang .... Bilang Dante
- 1987 – Pieta: Ikatlong Aklat .... Bilang Raphael
- 1988 – Victor Magno: Kahit Kumakasa Nag-iisa Lang! (Sierra Films)
- 1988 – Alega Gang: Public Enemy No.1 of Cebu .... Bilang Eddie (RRJ Productions)
- 1989 – Carnap King? (The Randy Padilla Story) .... Bilang Randy Padilla (Cine Suerte)
- 1989 – Eagle Squad .... Bilang Cpl. Marata (Viva Films)
- 1989 – Delima Gang .... Bilang Pedring Delima (Bonanza Films)
- 1989 – Hindi Pahuhuli ng Buhay .... Bilang Nanding Valencia (Viva Films)
- 1989 – Sa Diyos Lang Ako Susuko .... Bilang Romano (Viva Films)
- 1990 – Barumbado .... Bilang Eric (Cine Suerte)
- 1990 – Walang Awa Kung Pumatay .... Bilang Narding (Omega Releasing Organization Inc)
- 1990 – Bad Boy .... Bilang Bombo (Viva Films)
- 1990 – Anak ni Baby Ama .... Bilang Anghel (Viva Films)
- 1991 – Hinukay Ko Na ang Libingan Mo .... Bilang Elmo at Anton (Viva Films)
- 1991 – Maging Sino Ka Man .... Bilang Carding (Viva Films)
- 1991 – Ang Utol Kong Hoodlum .... Bilang Ben (Viva Films)
- 1992 – Grease Gun Gang .... Bilang Carding Sungkit (Viva Films)
- 1992 – Bad Boy 2 .... Bilang Bombo (Viva Films)
- 1992 – Miss na Miss Kita: Ang Utol Kong Hoodlum 2 .... Bilang Ben (Viva Films)
- 1992 – Manila Boy .... Bilang Diego/Manila Boy (Pioneer Films)
- 1993 – Makuha Ka Sa Tingin: Kung Puwede Lang .... Bilang El Cid (Viva Films)
- 1993 – Oo na Sige na: Magtigil Ka Lang! .... Bilang Bongcoy (Viva Films)
- 1993 – Di na Natuto: Sorry na Puwede Ba? .... Bilang Ishmael (Viva Films)
- 1994 – Lab Kita, Bilib Ka Ba? .... Bilang Carlos at Billie (Moviearts Presentation)
- 1994 – Mistah .... Bilang Mario (Viva Films)
- 1994 – P're, Hanggang sa Huli .... Bilang Brando Ermita (Viva Films)
- 1997 – Anak: Pagsubok Lamang .... Bilang Daniel (FLT Films International)
- 1998 – Tulak ng Bibig Kabig ng Dibdib .... Bilang Lando (Viva Films)
- 1999 – Di Puwedeng Hindi Puwede .... Bilang Carding (Star Cinema & FLT Films International)
- 1999 – Bilib Ako Sayo .... Bilang Gatdula (Viva Films)
- 2000 – Tunay Na Tunay: Gets Mo, Gets Ko .... Bilang Nick Abeleda (Star Cinema)
- 2000 – Eto Na Naman Ako .... Bilang Abet Dimaguiba (Millenium Cinema)
- 2000 – Ang Kailangan Koy Ikaw .... Bila Gimo Domingo (Viva Films)
- 2001 – Ooops, Teka Lang... Diskarte Ko 'To! .... Bilang Dario (Star Cinema & FLT Films International)
- 2001 – Buhay Kamao .... Bilang Pepe (Viva Films)
- 2001 – Pagdating ng Panahon .... Bilang Manuel (Viva Films)
- 2002 – Hari ng Selda: Anak ng Baby Ama 2 .... Bilang Anghel (Viva Films)
- 2002 – Videoke King .... Bilang King (Star Cinema)
- 2002 – Jeannie: Bakit Ngayon Ka lang? .... Bilang Badong Bulaong (Viva Films)
- 2003 – You & Me: Against The World .... Bilang Paolo Guerrero (FLT Films International)
- 2003 – Alab ng Lahi .... Bilang Gregorio Magtanggol (FPJ Productions)
- 2004 – Astigmasim .... Bilang John (Viva Films)
- 2004 – Kulimlim .... Bilang Jake (Viva Films)
- 2005 – La Visa Loca .... Bilang Jess (Unitel Pictures)
- 2006 – Till I Met You .... Bilang Gabriel (Viva Films & GMA Films)
- 2007 – Blackout .... Bilang Blanco (RRJ Productions)
- 2008 – Brown Twelve .... Bilang Daniel (GMA Films)
- 2008 – Ikaw Pa Rin .... Bilang Boy (Viva Films)
- 2009 – Sundo (GMA Films)
- 2011 – Tum: My Pledge of Love (ABS-CBN Films)
Mga palabas sa telebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 2000 Puwedeng Puwede (Bilang Berting) .... ABS-CBN
- 2002 SATSU (Bilang Diego) .... VIVA TV/IBC
- 2003 Basta't Kasama Kita (Bilang Lt.Alberto Catindig) .... ABS-CBN
- 2007 Asian Treasures (Bilang Elias Pinaglabanan) .... GMA Network
- 2008 Joaquin Bordado (Bilang Joaquin Apacible) .... GMA Network
- 2009 Totoy Bato (Bilang Arturo "Totoy" Magtanggol) ...... GMA Network
- 2010 Pilipinas Win Na Win!! (Bilang Host) .... ABS-CBN
- 2011 Guns n Roses (Bilang Abelardo "Abel" Marasigan) .... ABS-CBN
- 2011 Toda Max (Bilang Bartolome Del Valle) .... ABS-CBN
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Jorge, Rome (2009-03-01). "Robin Padilla: Peace champ". Manila Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-02. Nakuha noong 2009-07-08.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Yang, Angelica (Mayo 18, 2022). "Robin Padilla tops Senate race as Comelec proclaims 12 senators-elect". The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 21, 2022. Nakuha noong Mayo 19, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Oli Reyes says Robin Padilla could be first Muslim senator since 1995". Abogado.com. Mayo 3, 2022. Nakuha noong Mayo 31, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PDP-Laban bet Robin Padilla files candidacy for senator". Rappler (sa wikang Ingles). Oktubre 8, 2021. Nakuha noong Nobyembre 5, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Malasig, Jeline (Mayo 10, 2022). "Questions as actor Robin Padilla leads senatorial race in partial, unofficial count". Interaksyon. Nakuha noong Mayo 16, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ropero, Gillan (Pebrero 3, 2022). "Robin Padilla says against tax incentives for foreign investors". ABS-CBN News. Nakuha noong Mayo 16, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Robin Padilla, naniniwalang plataporma at 'di kasikatan ang magdadala sa kaniya sa Senado" [Robin Padilla, believes platform and not his popularity carried him to the Senate]. Balitambayan (sa wikang Filipino). GMA News. Mayo 10, 2022. Nakuha noong Mayo 16, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Torregoza, Hannah (Mayo 11, 2022). "Robin Padilla can very well represent Filipino Muslims in the Senate, Gatchalian says". Manila Bulletin. Nakuha noong Mayo 16, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Galvez, Daphne (Mayo 13, 2022). "Robin Padilla to hire Panelo as 'legislative consultant, adviser, mentor'". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 16, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)