Rodentia

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Daga (paglilinaw).
Mga daga
Hangganan ng fossil: Simulang Paleoseno–Kamakailan
White-tailed Antelope Squirrel (Ammospermophilus leucurus)
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Mammalia
Impraklase: Eutheria
Superorden: Euarchontoglires
Orden: Rodentia
Bowdich, 1821
Mga sub-orden

Sciuromorpha
Castorimorpha
Myomorpha
Anomaluromorpha
Hystricomorpha

Ang mga daga o Rodentia ay isang orden ng mga mamalyang kilala rin bilang mga rodent (mga "wangis-daga", "anyong daga", "itsurang daga", o "hitsurang daga") sa Ingles, na may katangian ng pagkakaroon ng nagpapatuloy na lumalaking mga ngiping pantaga o panghiwa (mga incisor) sa pang-itaas at pang-ibabang mga panga na dapat mapanatiling maiikli sa pamamagitan ng pagngatngat, pagkagat, pagngasab, o pagpungos.[1][2]

Apatnapung bahagdan ng mga uring mamalya ang kabilang sa Rodentia, at matatagpuan sa maraming mga bilang sa lahat ng mga kontinent bukod pa sa Antartika. Kabilang sa mga pangkaraniwang mga daga ang bubuwit o maliit na daga (mouse), malalaking mga daga (mga rat), iskuwirel, tsipmunk, goper, porkupina, kastor, hamster, gerbil, "baboy-Guinea", degu, tsintsila, aso ng parang, at baboy-panglupa.[1] May matatalim na mga ngiping pangtaga ang mga daga na ginagamit nila sa pagkagat ng kahoy, pagputol ng pagkain, at pagkagat sa maninilang mga hayop. Karamihan sa kanila ang kumakain ng mga buto ng mga halaman o ng mga halaman, bagaman mayroon din silang sari-saring mga pagkain. May ilang mga uring, batay sa kasaysayan, na naging mga salot o peste, na kumakain ng mga butil o butong inimbak ng mga tao at nagkakalat din ng mga sakit o karamdaman.

Mga sanggunian[baguhin]



Mamalya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.