Pumunta sa nilalaman

Rosa Mia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Rosita Quinto Stecza

Si Rosa ay tinaguriang Ina ng Sampaguita Pictures sapagkat karamihan sa kanyang mga nagawang pelikula ay pawang nasa bakuran ng Sampaguita Pictures at nakatala siya ng halos tatlong dekada na ginampanan bilang isang matapang, uliran o martir na ina.

Unang nagbigay sa kanya ng pagkakataon gumanap bilang suporta sa mga malalaking artista si Fernando Poe para sa pelikulang Dugo ng Bayan (1946) kung saan gumanap siya bilang isa sa mga taong bayan noong panahon ng Hapon at ang makasaysayang pelikulang Intramuros (1946) na pinangunahan naman ni Fernando Poe na parehong produksiyon ng Palaris Pictures.

Taong 1947 ng nakagawa siya ng apat na pelikula ito ay ang Adbenturang Palaris ng Palaris Pictures, Bisig ng Batas ng McLaurin Bros, Hanggang Langit ng Kayumanggi Pictures at dalawa ang nagawa niya sa bakuran ng LVN Pictures ang pelikulang panlangit na Ang Himala ng Birhen sa Antipolo noong 1947 at ang Sumpaan noong 1948.

Taong 1949 ng kunin siya ng Sampaguita Pictures sa isang pelikulang Pampamilya ang Abogada na naging daan para magtuloy-tuloy na ang kanyang karera sa loob ng nasabing produksiyon. Matatandaang gumanap siya bilang panlipunan na mahirap na naging mayaman dahil sa pagsasabong ng kanyang mga anak na sina Dolphy, Boy Alano at Lolita Rodriguez sa pelikulang Sabungera at papel na isang ulirang ina ni Rogelio dela Rosa na may kapansanan sa mata sa pelikulang Maalaala mo Kaya (1954).

Gumanap din siya bilang relihiyosang ina ni Gloria Romero sa pelikulang Anak sa Panalangin, isang mayamang mataray sa komedyang handog ng Sampaguita ang Despatsadora at pangkaraniwang ina ng isang malakas na babaeng si Lolita Rodriguez sa pelikulang Binibining Kalog

Magaling din ang pagkakaganap niya bilang anak ng kambal na si Luis Gonzales sa pelikulang Ikaw ang Buhay ko at isang inang pagala-gala na pilit hinahanap ng isang anak na si Juancho Gutierrez sa madramang pelikula ng taon ang Inang Mahal.

Si Rosa ay sumakabilang buhay noong 28 Nobyembre 2006 isang buwan bago ang kanyang kaarawan. Namatay siya ng "natural causes" at walang hirap na dinanas. ang kanyang magiging huling hantungan ay sa Holy Cross cemetery sa Novaliches, Q.C.

Kasalukuyang nakaburol siya sa SAPINOSO Grand Chapels sa Imus, Cavite kung saan siya namamahinga kasama ang kanyang pamilya. Si Rosa Mia ay may 10 kapatid at ikatlo na siya sa mga namahinga dito. 81 taong gulang nung siya'y kinuha sa atin ng panginoon.

Tunay na Pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Rosita Quinto Stecza
  • 23 Disyembre 1924

Lugar ng Kapanganakan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • alam ba ninyo na gumanap si Rosa Mia bilang ina ni Rogelio dela Rosa sa pelikulang Maalaala mo Kaya na 10 sampung taong di-hamak ang tanda sa kanya.
  • alam ba ninyo na ang pelikulang Pagdating ng Takipsilim ang pelikulang hindi niya malilimutan dahil ito ang una niyang idinirihe bilang direktora.