Rosa Sevilla Alvero

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Rosa Sevilla Alvero ay ipinanganak sa Daang Rajah Matanda sa Tondo, Maynila noong Marso 4, 1879. Ang buo niyang pangalan ayon sa kanyang partida bautismo ay Rosa Lucia Sevilla. Ang kanyang mga magulang ay sina Ambrosio Sevilla, isang sarhento ng hukbong Kastila at si Silvina Tolentino y Rafael na kamag-anak ng mandudulang si Aurelio Tolentino. Siya ay nagtapos ng kursong Maestra Superior sa Kolehiyo ng Assumption. Nakilalang manunulat at mambibigkas sa wikang Kastila at Tagalog. Naging patnugot siya ng Vida Filipino, Buhay Pilipino at Pajima de la Mujer ng La Vanguardia. Naging manunulat din siya ng Taliba, El Debate at La Opinion.

Sa kabuuan siya ay isang guro, social worker na naging aktibo sa mga kilusang pambabae. Sa larangan ng panitikan siya ay makata, mandudula, at mambibigkas. Ang ilan sa kanyang mga akda ay La Mejor , El Sueno del Poeta, Prisonera de Amor, La Loca de Hinulugang Taktak at marami pang iba.

Siya ay pumanaw noong ika-11 ng Mayo 1954 sa Maynila sa edad na 75.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.