Kerberos (buwan)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa S/2011 (134340) 1)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kerberos
Pluto P4.jpg
Larawan ng pagkakatuklas ng Teleskopyong Pangkalawakang Hubble sa Kerberos.
Pagkatuklas[1]
Natuklasan ni Showalter, M. R. et al.
Natuklasan noong 28 Hunyo 2011
(itinama noong 20 Hulyo 2011)
Mean orbit radius (59 ± 2)×103 km
Eccentricity ≈ 0
Orbital period 32.1 ± 0.3 araw
Inklinasyon ≈ 0
Satelayt ng Pluto
Mga katangiang pisikal
Apparent magnitude 26.1 ± 0.3[1]
Landas-tahakin ng apat na Buwan ng Pluto

Ang Kerberos (kilala dati bilang bilang S/2011 P 1[note 1] o P4) ay isang maliit na likas na satelayt ng Pluto na ang pagkakatuklas ay inanunsiyo noong 20 Hulyo 2011.[1] Kinilala ito bilang ika-apat na satelayt ng Pluto, kaalinsunod sa pagkakatuklas sa Charon noong 1978 at Nix at Hydra noong 2005.

Pagkakatuklas[baguhin]

Natuklasan ang S/2011 P 1 ng pangkat ng mga tagahalughog sa kompanyon ng Pluto gamit ang Teleskopyong Pangkalawakang Hubble noong 28 Hulyo 2011, gamit ang Wide Field Camera 3, habang nagkakaroon ng hula na may kahit anong singsing na maaaring taglayin ng Pluto.[note 2][4] Isinagawa ang iba pang pagoobserba sa bagong natuklasan noong Hulyo 3 at 18 Hulyo 2011 at inanunsiyo ito bilang bagong buwan ng planeta noong 20 Hulyo 2011.[1][5] Nakita ito sa sinupian ng mga larawan ng Hubble mula Perbrero 15, 2006 hanggang 25 Hunyo 2010.[1] Ang ningning ng S/2011 P 1 ay humigit-kumulang 10% ng ningning ng Nix. Nakita ang buwan na ito dahil ang grupong nakadiskubre dito ay kumuhan ng mga 8-minuto na exposure; ang mga naunang pagtutuklas ay gumamit ng mga mas maikling exposure.[6]

Pisikal na kaanyuan[baguhin]

Batay sa kanyang tinantsang dayametro na 13–34 km (8–21 mi), itinuturing na pinakamaliit na buwan ng Pluto ang S/2011 P 1.[7][8] Nagmula ang ranggong dayametro mula sa posibleng ranggong heyometrikong albedo na 0.06 hanggang 0.35.[1][6]

Kaanyuan ng Landas-tahakin[baguhin]

Sinusuwestiyon sa mga kasalukuyang obserbasyon na ang buwang ito ay pabilog, ekwatoryal na landas-tahakin na may radyus na 59,000 km (may 37,000 milya).[1][6] Tumatahak ito sa rehiyon sa pagitan ng Nix at Hydra at nalilibot nito ang buong Pluto tuwing 32.1 araw ng mundo.[1][6] Malapit ang tinatahak nito sa 1:5 resonatong orbital ni Charon, kasama ang pagkakamali sa oras na may kukulangin 0.6%. Batay sa pagkalapit nit sa resonato sa pagitan ng Nix o Hydra at Charon (1:4 at 1:6),malalaman kung gaano kalapit ang relasyon sa totoong resonato na maaaring magamit sa tamang kaalaman sa landas-tahakan ng S/2011 P 1, partikular na sa sinusundan nito.

Pinagmulan[baguhin]

Tulad ng ibang buwan ng Pluto,[9] hinihilanang nagmula ang S/2011 P 1 mula sa kalat ng malaking banggaan sa pagitan ng Pluto at iba pang Bagay sa Sinturong Kuiper belt, tulad ng "big whack" na naniniwala na nabuo rin ang Buwan mula rito.[4]

Pagpapangalan[baguhin]

Isang pormal na pangalan para sa S/2011 P 1 ang maaaring ilapit sa Pandaigdigang Unyong Pang-astronomiko ng pangkat na nakatuklas nito ilang linggo lamang pagkatapos matuklasan ito. Ayon sa pinuno ng pangkat na si Mark Showalter, isang pangalang malapit kay Hades at ilalim na munod ang pipiliin mula sa mitolohiyang Griyego.[10]

Tignan Din[baguhin]

Tandaan[baguhin]

  1. Ang 134340 ay isang bilang ng Sentro ng Planetang Menor, na itinalaga kasunod ng pag-anunsiyo mula sa kabuuang kalagayang planetarya noong 2006. Ang S/2011 P 1 ay isang anyo na ginagamit para sa mga buwan ng isang planeta.
  2. Ang paghahanap sa mga singsing ng Pluto ay sa kadahilanang pinipigilang magkaroon ng sira ang New Horizons na dadaan sa planeta sa darating na Hulyo 2015.[2][3]


Talababa[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 Showalter, M. R.; Hamilton, D. P. (2011-07-20). "Bagong satelayt ng (134340) Pluto: S/2011 (134340) 1". Sentrong Kawanihan para sa Telegramang Pangastronomiko. Pandaigdigang Unyong Pangastronomiko. http://www.cbat.eps.harvard.edu/cbet/cbet002769.txt. Hinango noong 2011-07-20. 
  2. Wall, M. (2011-07-20). "New Pluto Moon Foreshadows More Surprises for NASA Probe En Route". Space.Com web site. TechMediaNetwork. http://www.space.com/12372-pluto-fourth-moon-nasa-spacecraft.html. Hinango noong 2011-07-21. 
  3. McKee, M. (2006-02-22). "Rings of ice and dust may encircle Pluto". New Scientist web site. New Scientist. http://www.newscientist.com/article/dn8760-rings-of-ice-and-dust-may-encircle-pluto.html. Hinango noong 2011-07-21. 
  4. 4.0 4.1 Boyle, A. (2011-07-20). "Scientists spot Pluto's fourth moon". Cosmic Log on msnbc.com. msnbc.com. http://cosmiclog.msnbc.msn.com/_news/2011/07/20/7119984-scientists-spot-plutos-fourth-moon. Hinango noong 2011-07-20. 
  5. Pluto Has Another Moon, Hubble Photos Reveal | Dwarf Planet Pluto | Pluto's Moons | Space.com
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 Lakdawalla, E. (2011-07-20). "A fourth moon for Pluto". Planetary Society weblog. The Planetary Society. http://www.planetary.org/blog/article/00003107/. Hinango noong 2011-07-20. 
  7. "NASA's Hubble Discovers Another Moon Around Pluto". http://www.nasa.gov/mission_pages/hubble/science/pluto-moon.html. Hinango noong 2011-07-20. 
  8. "Tiny fourth moon discovered in Pluto's orbit". CNN. http://www.cnn.com/2011/US/07/20/us.pluto.moon/. Hinango noong 2011-07-20. 
  9. Stern, S. A.; Weaver, H. A.; Steff, A. J.; Mutchler, M. J.; Merline, W. J.; Buie, M. W.; Young, E. F.; Young, L. A.; Spencer, J. R. (2006-02-23). "A giant impact origin for Pluto’s small moons and satellite multiplicity in the Kuiper belt". Nature 439: 946-948. doi:10.1038/nature04548. http://ns1.plutoportal.net/~layoung/eprint/Stern2006plutosat.pdf. Hinango noong 2011-07-20. 
  10. Shiga, D. (2011-07-20). "What should Pluto's new moon be named?". New Scientist web site. New Scientist. http://www.newscientist.com/blogs/shortsharpscience/2011/07/what-should-plutos-new-moon-be.html. Hinango noong 2011-07-21.