SM City North EDSA

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang SM City North EDSA ay ang kauna-unahan at pinakamalaking SM Supermall na pinamamahalaan ng SM Prime Holdings ang pinakamalaking nangangasiwa at tingian ng mga mall sa Pilipinas. Ito ang pinakamalaking pamilihang mall sa Pilipinas at ang ikalawang pinakamalaking pamilihang mall sa buong mundo na may kabuuang lawak ng sahig na 460,000 metro kuwadrado (halos 5 miyung talampakang kuwadrado). Ito ay makikita sa krosing ng Hilagang Abenida ng Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) sa Lungsod Quezon.