Sa Aking Mga Kabata

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Sa Aking Mga Kabata ay isang tula na nakasulat sa wikang Tagalog tungkol sa pag-ibig ng isang tao sa kanyang katutubong wika. Madalas na pinapalagay na ginawa ito ni Jose Rizal, ang Pambansang Bayani ng Pilipinas at sinasabing naisulat niya noong 1869 sa gulang na walong taon at unang tulang ginawa ni Rizal.[1][2]

Bagaman, may ilang mga dalubhasa sa kasaysayan na nagsasabing walang patotoo na si Rizal ang may-akda ng tula at panlilinlang ito.[3] Pinaghihinalaan ang mga makatang sina Gabriel Beato Francisco o Herminigildo Cruz ang tunay na may-akda.[4]

Teksto ng tula[baguhin]

SA AKING MGA KABATA

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Sa kaniyang salitang kaloob ng langit Sanlang kalayaan nasa ring masapi Katulad ng ibong nasa himpapawid

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharian At ang isang tao’y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamanin kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin, Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel, Sapagkat ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.

Ang salita nati’y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Mga sanggunian[baguhin]