Sabak ng Lupanlunti

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Animado ng sabak

Ang Sabak ng Lupanlunti, o kilala rin sa tawag na Malawak ng Sabak ng Lupanlunti, ay ang pansamantalang pangalan ng isang sabak kung saan naitala ang haba at natuklasan sa ilalim ng makapal na yelo ng Lupanlunti ayon sa anunsiyo ng isang talaarawan nangangalang Science noong 30 Agosto 2013 (naisumite 29 Agosto 2013), sa pamamagitan ng mga siyentipiko galing Unibersidad ng Bristol, Unibersidad ng Calgary at Unibersidad ng Urbino na inilarawan na isang Mega-canyon.[1][2][3]

Ang mga datos ng radar ng mga yelong mahayap (ice-penetrating radar) ay tinipon ng NASA sa panahon ng Operation IceBridge, na nagpakita ng isang napakalaking kanyon na subglacial,[4] tumatakbo ito sa gitnang rehiyon ng isla pahilaga papuntang Karagatang Artiko, hanggang sa fjord ng Petermann Glacier, ang sabak ay malamang mayroong naiimpluwensiyahan ng saligan ng pagtulo ng tubig mula sa panloob ng ilalim ng yelo hanggang sa puwang sa paligid (margin). Ani ni Jonathan Bamber, isang Geolohista sa Unibersidad ng Bristol, "The distinctive V-shaped walls and flat bottom suggests water carved the buried valley, not ice."[4]

Ito ay mahigit sa 750 kilometres (466 mi) haba, at 800 metres (2,600 ft) lalim na may 10 kilometres (6 mi) lapad, kaya ito itinuturing na pinakamahabang sabak na natuklasan sa Daigdig sa kasalukuyan.[5]

Tinatantiya na ang sabak ay humigit kumulang 4 milyon taong gulang, o maaaring mas matanda pa.[5][6][7]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]