Sabrina, the Teenage Witch

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Sabrina, the Teenage Witch (paglilinaw).

Ang Sabrina, the Teenage Witch (Ingles: Sabrina, Ang Mangkukulam) ay isang pangalan ng isang serye ng mga komiks na inilimbag ng Archie Comics tungkol sa mga pakikipagsapalaran ng isang dalagitang karakter at mangkukulam na si Sabrina J. Spellman. Lumitaw rin ang mga tauhan ng komiks sa iba't ibang mga anyo ng midya. Isang pormat na ang matagalang palabas na serye ng katatawanang pantelebisyon. Bago pa ito, mayroong isang animadong serye na nilikha ng Filmation Associates. Isa pang anyo ang mga serye ng mga nobela paperback na isinulat ng maraming mga awtor, kabilang sina Nancy Holder, Diana G. Gallagher, at Mel Odom, maging ang isang muling paglalahad kung saan natuklasan ni Sabrina ang kaniyang mga kakayahan at kapangyarihan habang nasa hayskul.

Kuwento[baguhin]

Si Sabrina, na isa talagang mabait na mangkukulam (sa katunayan isang kalahating-mangkukulam—isang taong mortal ang nanay niya, habang isa namang lalaking mangkukulam ang ama niya), na nainirahan kapiling ang dalawa niyang tiyahin, sina Hilda at Zelda (kapwa mga mangkukulam din), sa kathang-isip na bayan ng Greendale, na nasa isang pook malapit sa Riverdale, ang tahanang-bayan ni Archie Andrews. Kapiling din ng tatlong magkakamag-anak ang isang alagang pusa, si Salem Saberhagen, isang pusang may lahing American Shorthair.

Karamihan sa mga kapalaran at karanasan ni Sabrina ang pagkakaroon ng pagsubok sa paggamit niya ng kaniyang mga kapangyarihan sa pahttp://tl.wikipedia.org/skins-1.5/common/images/button_hr.png Pahigang linya (gamitin ng madalang)lihim na paraan upang makatulong sa iba (sa pangkalahatan, pinagbabawalan ang mga mangkukulam na ipagsabi sa mga mortal na tao ang kanilang mga kakayahan), ang pagtuklas pa sa iba pa niyang mga abilidad (sa pamamagitan ng kaniyang mga tiya o mula sa mga paglalakbay sa "Other Realm" - literal na "sa kabilang dako" - isang pook na ekstradimensyonal na tahanan ng iba't ibang mga nilalang na may salamangka, kasama na ang mga mangkukulam), o ang pagsusuri sa mga pang-araw-araw na mga pagsubok ng bilang isang kabataan. Mayroon din siyang isang mortal o taong nobyo, si Harvey Kinkle, na katulad ng halos lahat ng mga mortal sa daigdig ni Sabrina, ay hindi nalalamang isa palang mangkukulam ang kaniyang kasintahan. Sa isang buhay na sitcom, malalaman din ni Harvey, sa huli at walang tulong ng iba, na si Sabrina ay isang mangkukulam.

Mga sanggunian[baguhin]


Mga kawing panlabas[baguhin]