San Juan, Kalakhang Maynila

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng San Juan
—  Lungsod  —

Sagisag
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng San Juan.
Bansa Pilipinas
Rehiyon Pambansang Punong Rehiyon
Lalawigan
Distrito Nag-iisang Distrito ng San Juan
Mga barangay 21
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Guia Gomez
Lawak
 • Kabuuan 5.95 km2 (2.30 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 121,430
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal 1500 (CPO)
Kodigong pantawag 2
Kaurian ng kita Unang klase
PSGC 137405000
Website sanjuancity.gov.ph
Para sa ibang gamit, tingnan ang San Juan.

Ang Lungsod ng San Juan ay isa sa mga lungsod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Dating kabilang ito sa lalawigan ng Rizal hanggang opisyal na naging kabilang sa Kalakhang Maynila. Ang lungsod ang ikalawang pinakamaliit sa mga lungsod at bayan sa Kalakhang Maynila. Mas maliit lamang ang Pateros. Ang opisyal na mahabang pangalan ng San Juan ay Lungsod ng San Juan del Monte. Ito ang lugar ng unang labanan sa pagitan ng Katipunan, isang Filipinong organisasyong rebolusyonaryo, at ng Kastila.

Matatagpuan ang San Juan sa gitna ng Kalakhang Maynila. Napapaligiran ito ng Lungsod Quezon sa hilaga at silangan, Lungsod ng Mandaluyong sa timog, at lungsod ng Maynila sa kanluran. Ilang lamang sa mga interesadong lugar sa San Juan ang Dambana ng Pinaglabanan, na tinatakda ang unang labanan ng Katipunan, ang Greenhills Shopping Center, ang isa sa mga tanyag na pamilihan sa Kalakhang Maynila, lalo na ang mga elektronikang kagamitan, at ang Xavier School, isang tanyag na panay-lalaking hayskul sa Kalakhang Maynila. Matatagpuan din dito ang prestiyosong panay-babaeng Filipino-Intsik na paaralan ang Immaculate Conception Academy-Greenhills.

Sikat ang San Juan sa Pilipinas sa pagdiriwang ng kapistahan ng kanilang patron, si San Juan Bautista. Nagdidiwang ang mga taga doon sa pamamagitan ng pagbabasa ng tubig kahit sino sa lansangan (katulad ng ginagawa sa pag-bautismo).

Dating nagsilbi si dating Pangulo Joseph Estrada bilang punong bayan sa San Juan, na sinasabing ng ilan na siya ang malawakang nagpasulong ng bayan.

Noong Hunyo 16, 2007, niratipika ang pagpapalit ng bayan na sa pagiging mataas na urbanisadong lungsod, ayonsa sa Republic Act. Bilang 9388 (Isang Act na nagpapalit bayan ng San Juan na maging Mataas na Urbanisadong Lungsod upang kilalanin bilang Lungsod ng San Juan.) [1]

Mga barangay[baguhin]

Ang lungsod ng San Juan ay nahahati sa 21 mga barangay:

  • Addition Hills
  • Balong-Bato
  • Batis
  • Corazon De Jesus
  • Ermitaño
  • Halo-halo (St. Joseph)
  • Isabelita
  • Kabayanan
  • Little Baguio
  • Maytunas
  • Onse
  • Pasadeña
  • potasui Cruz
  • Progreso
  • Rivera
  • Salapan
  • San Perfecto
  • Santa Lucia
  • Tibagan
  • West Crame
  • Greenhills

Sanggunian[baguhin]