San Pedro, Laguna

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng San Pedro
—  Lungsod  —
Mapa ng Laguna na nagpapapakita sa Lungsod ng San Pedro.
Bansa Pilipinas
Rehiyon CALABARZON (Region IV-A)
Lalawigan Laguna
Distrito Unang Distrito ng Laguna
Mga barangay 20
Pagkatatag 1678
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Hon. Calixto Cataquiz
Lawak
 • Kabuuan 24.05 km2 (9.29 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 294,310
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal 4023
Kodigong pantawag 2
Kaurian ng kita Unang klase
PSGC 043425000

Ang Lungsod ng San Pedro ay isang ika-1 klaseng lungsod sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Ang pangalan nito ay isinunod sa santong patron nito, Si San Pedro. Ang San Pedro ay ang unang bayan ng Laguna na madadaan mula sa Kalakhang Maynila. Ang lugar ng San Pedro ay kilala bilang isang pamayanang pantahanan (residential), kung saan marami ang nagbabyahe patungong Kalakhang Maynila upang magtrabaho. Ayon sa senso noong 2000, ang bayan ay may 231,403 populasyon.

Mga Barangay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang lungsod ng San Pedro ay nahahati sa 20 barangay.

  • Bagong Silang
  • Cuyab
  • Estrella
  • G.S.I.S.
  • Landayan
  • Langgam
  • Laram
  • Magsaysay
  • Nueva
  • Población
  • Riverside
  • San Antonio
  • San Roque
  • San Vicente
  • Santo Niño
  • United Bayanihan
  • United Better Living
  • Sampaguita Village
  • Calendola
  • Narra

Mga Pagdiriwang[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Pista ng Sampaguita ay isang malaking pista na ginanap sa buong bayan, simula ika-21 o ika-22 ng Pebrero na kadalasang inaabot ng isang linggo, na kinapalolooban ng mga parada, 'Hiyas ng San Pedro'-patimpalak sa Kagandahan, patimpalak sa pag-awit, mga pampalakasan, pag-sayaw ng mga katutubong sayaw-'Street Dancing', atbp. Ang Pista ay nag-nanais na maigunita ang kahalagahan ng Sampaguita sa kultura ng San Pedro, makahikayat ng turismo at paunlarin ang industriya ng sampaguita sa bayan.