Sandara Park

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Sandara Park
Kabatiran
Kapanganakang pangalan 박산다라
Kapanganakan 12 Nobyembre 1984 (1984-11-12) (29 taong gulang)
Busan, Timog Korea
Pinanggalingan Timog Korea
Genre K-Pop
Taong aktibo bilang artista: 2004–kasalukuyan
bilang mang-aawit: 2009–kasalukuyan
Mga tatak YG Entertainment

Si Sandara Park (ipanganak, 박산다라, 12 Nobyembre 1984 sa Busan, Timog Korea) ay isang artistang Koreana na sumikat sa Pilipinas dahil sa pagsali sa Star Circle Quest, isang reality-based na palabas sa telebisyon ng ABS-CBN na layon na maghanap ng mga bagong talento.

Sa kasalukuyan, miembro siya ng isang bandang kababaihan na 2NE1 na dala ang palayaw bilang Dara.

Personal na impormasyon[baguhin]

Ipinanganak si Park sa parehong Koreanong magulang, at di sila marunong magsalita ng Ingles o Tagalog. Isang negosyante ang tatay ni Park, ngunit noong 8 taong gulang na siya, nalugi ang kompanya ng kanyang tatay. Permanenteng nanirahan sila sa Pilipinas noong 1995. Natuto siyang mag-Ingles at Tagalog sa Pilipinas. Bilang pinakamatanda sa magkakapatid, siya ang nag-aalaga sa kanyang dalawang nakakabatang kapatid. At dahil dito, sumali siya sa Star Circle Quest. Sumikat siya nang husto sa kanyang tanyag na "Sandara Wave" na may kasamang "Mahal ko kayo". Mahilig siyang tawaging Krung Krung ng kanyang mga tagahanga at kaibigan.

Karera[baguhin]

Pagkatapos niyang manalo sa Star Circle Quest, binigyan siya ng ABS-CBN ng isang palabas na pinamagatang Sandara's Romance. Naging ka-love team niya si Hero Angeles na dating kalahok din sa Star Circle Quest. Ilan sa mga nagawang proyekto ni Park na kasama si Angeles ang teleseryeng Krystala na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos, SCQ Reload: OK Ako! at mga pelikulang Bcuz of U at Can This be Love na labis na kumita sa takilya.

Nakabenta ng higit sa 60,000 kopya ang kanyang unang album na pinamagatan ng kanyang pangalan. Nakamit nito ang double platinum na estado. Ang mga single na "In or Out" at "Walang Sabit" ang mga pinakasikat sa awitin sa kanyang unang album.

Pagkatapos ng kanyang pelikulang Can This be Love, pansamantalagang tumira muna si Sandara sa Timog Korea para magsanay lalo ng kanyang talento. Umabot ito ng limang buwan bago siya nakabalik uli sa Pilipinas.

Noong nakabalik na siya sa Pilipinas at patuloy na tinatangkilik ng kanyang mga taga-hanga, may bago na siyang ka-love team na si Joseph Bitangcol na kalahok din dati sa Star Circle Quest. Isa sa mga proyekto niya sa kanyang pagbalik ang ASAP Fanatic sa telebisyon at ang pelikulang D' Lucky Ones na kasama si Joseph Bitangcol, Pokwang, at Eugene Domingo.

Nawala sa telebisyon si Sandara ng matagal-tagal din na panahon noong bumalik siya sa Korea. Nang biglang ginulat na lamang niya ang mga pilipino sa umuusbong na pala niyang karera sa Korea bilang isang "YG baby". Sumailalim siya sa mahigpit na training ng YG at pinaghusay pa niya ang kanyang talento sa pagsayaw at pagkanta, ngunit ngayon bilang K-Pop performer. Halos dalawang taon din siyang nag-ensayo kasama ang kanyang mga kamiyembro na sila Gong Min Ji "Minzy", Park Bom Lee "Bom" na parehong apat na taon nagtraining, at ang lider ng grupo, Chae Rin Lee "CL" na nagtraining naman ng tatlong taon. Kasama ang tatlong nabanggit pang talents ay binuo sila bilang 2NE1 na hit na hit ngayon sa Korea at sa buong Asya.

Pelikula[baguhin]

Telebisyon[baguhin]

Diskograpiya[baguhin]

Mga Kawing Panlabas[baguhin]