Sandatahang Lakas ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Sandatahang Lakas ng Pilipinas
AFP 3D.jpg
Ang sagisag ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
Itinatag Marso 22, 1897
Mga sangay na palingkuran Philippine Army Seal Hukbong Katihan ng Pilipinas

Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay ang mga magtatanggol sa bansa laban sa dayuhang mananakop, mga taong nais mang-agaw ng kapangyarihan ng bansa at sila ang tumutulong sa mga tao sa oras ng sakuna.


Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay binubuo ng

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay nagumpisa noong 1897 nang nilikha ng pamahalaang rebolusyonaryo ang Hukbong Katihan sa ilalim ni Heneral Artemio Ricarte. Linikha ang hukbo upang ipagpatuloy ang paghimagsik ng Katipunan laban sa mga Kastila. Ipinagpatuloy din ng hukbo ang laban sa mga Amerkano noong Digmaang Pilipino-Amerikano.

Pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano, ang sandatahang lakas ay isinaayos sa ilalim ng National Defense Act na ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas noong 1935. Linikha ng batas na iyon ang isang bagong Hukbong Katihan na may bantay-baybayin at kwerpo panghimpapawid.

Ang Sandatahang Lakas na kilala ngayon ay nilikha noon Dec. 23, 1950. Ito ay nangingibabaw sa isang hukhong katihan, hukhong himpapawid, hukbong dagat at ang nasirang Konstabularyo ng Pilipinas.

Organisasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Pamunuan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Sandatahang Lakas ay pinamumunuan ng isang Chief of Staff na hinihirang ng Pangulo ng Pilipinas, na ginawaran ng batas ng kapangyarihan na pumili kung sino ang mamuno sa Sandatang Lakas, maging siya's heneral o tenyente. Ngunit kinaugalian na ng mga pangulo ng Pilipinas na pumili ng chief of staff mula sa grupo ng mga heneral na may pinakamatagal na karanasan sa militar. Nakikipagugnay ang Chief of Staff sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa sa pagpapatupad ng mga utos ng Pangulo. Ang chief of staff ang katumbas ng Chairman of the Joint Chiefs of Staff ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos.

Sa ilalim ng chief of staff ay isang Vice Chief of Staff na humahalinhin sa kanya kung siya ay liban o hindi magampanan ang kanyang mga tungkulin.

Pangkalahatang Punong Himpilan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang chief of staff ay tinutulungan ng isang Deputy Chief of Staff na nagpapaganap ng kanyang mga utos sa pamamgitan ng Command Center na binubuo ng mga kinatawan ng Hukbong Katihan, Hukbong Himpapawid at Hukbong Dagat. Ang Deputy Chief of Staff din ang namamahala ng Pinagkaisang Lupong Tagapagugnay (o Joint Coordinating Staff) na mayroon din sariling lupon. Ang Deputy Chief of Staff din ang namamahala sa iba pang lupong teknikal o administratibo na binuo ng chief of staff sa ilalalim ng Punong Himpilan (o General Headquarters) sa Kampo Aguinaldo sa Lungsod Quezon, katulad ng Special Operations Training Center.

Lupong personal[baguhin | baguhin ang batayan]

Maliban sa mga lupon sa ilalim ng Punong Himpilan, mayroon ding personal na lupon ang chief of staff na binubuo ng pitong tanggapan na tumutulong sa pagpapatupad ng kanyang mga tungkuling administratibo at sa operasyong militar. Kabilang dito ang Inspektor Heneral, Sarhento Mayor at iba pang tanggapan na namamahala sa panagutang pampubliko, sa relasyon ng sandatahan sa Kongeso ng Pilipinas, sa pamamahala ng mag pagaari, impormasyong pangmadla at mga stratehiko at iba pang aralin.

Natatanging lupon[baguhin | baguhin ang batayan]

Meron ding natatanging lupon and Chief of Staff na tumutulong magpatupad ng kanyang mga tungkuling administratibo. Ito ay binubuo ng labing-apat na tanggapan na kabilang ang Adyutante Heneral, Judge Advocate General, Provost Marshall General, punong chaplain, punong inhinyero, mamamahala ng pananalapi, Quartermaster General, Surgeon General, punong dentista, punong nars at mga tanggapan na namamahala ng mga lupain, benepisyong pagaaral, natatanging serbisyoo at ng programang pang-modernisasyon.

Mga yunit serbisyo ng buong sandatahan[baguhin | baguhin ang batayan]

May mga yunit na itinalaga para tugunan ang mga serbisyo at adya na kailangan ng iba't ibang yunit ng Sandatahang Lakas. Kabilang dito ang Komand ng Serbisyo sa Pangkalahatang Punong Himpilan, Serbisyong Intelihensya, Serbisyong Komisaryo, Serbisyo para sa Komunikasyong Elektroniko at Sistemang Pangimpormasyon, Komand Lohistiko, Sentrong Panggamot, Serbisyong Ugnayang Sibil, Kuerpo ng Lupong Heneral, Komand Reserba, Sentrong Pananalapi, Grupong Seguridad ng Panguluhan at Akademya Militar ng Pilipinas.

Ang Tatlong Pangunahing Sangay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay binbuo ng mga sumusunod na sangay: Ang Hukbong Katihan, ang Hukbong Pandagat, at Hukbong Panghipapawid.

Hukbong Katihan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Hukbong Katihan ay ang pangunahing puwersang panlupa ng Hukbong Sandatahan. Ito ay nahahati sa sampung Light Infantry Division, isang Light Armor Division, isang Special Operations Division, limang Engineering Battalion, isang Artillery Regiment (nagsisilbi sa AFP Headquarters sa Kampo Aguinaldo), ang Presidential Security Group (PSG), at tatlong Light-Reaction Companies. Nasa ilalim din nito ang Philippine Scout Rangers.

Hukbong Dagat[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Hukbong Dagat ay ang pangunahing pwersang pandagat ng Hukbong Sandatahan. Ito ay nahahati sa dalawa pang sangay: ang Philippine Fleet at ang Philippine Marine Corps.

Philippine Fleet[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Philippine Fleet ay ang pangunahing plotang pandagat ng Hukbong Pandagat. Meron itong apat na yunit: ang Ready Force, ang Assault Craft Force, ang Patrol Force at ang Service Force.

Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas o Philippine Marine Corps, PMC ay ang pangunahing amphibious force ng Hukbong Sandatahan. Sila ang namamahala sa paglusob mula sa dagat patungo sa baybayin.

Hukbong Himpapawid ng Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]

Ito ang pangunahing pwersang panghimpapawid ng Hukbong Sandatahan.

Pinagkaisang Lupong Tagapagugnay[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa pamamagitan ng Command Center, nakikipagugnay ang pamunuan ng Sandatahang Lakas sa mga yunit sa ibang dako ng bansa sa pamagitan ng Pinagkaisang Lupong Tagapagugnay ba binubuo ng Deputy Chief of Staff para sa tauhan for Personnel (J1), Deputy Chief of Staff para sa intelihensya (J2), Deputy Chief of Staff para sa operasyon (J3), Deputy Chief of Staff para sa lohistika (J4), Deputy Chief of Staff para sa mga plano (J5), Deputy Chief of Staff para sa komunikasyong elektroniko at sistemang pangimpormasyon (J6) at Deputy Chief of Staff para sa mga usaping reserbista (J7).

Mga Pinagkaisang Komand[baguhin | baguhin ang batayan]

National Capital Region Command[baguhin | baguhin ang batayan]

Southern Luzon Command[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang SOLCOM(Southern Luzon Command)[baguhin | baguhin ang batayan]

Central Command[baguhin | baguhin ang batayan]

Western Command[baguhin | baguhin ang batayan]

Southern Command[baguhin | baguhin ang batayan]

Tauhan[baguhin | baguhin ang batayan]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Karagdagang basahin[baguhin | baguhin ang batayan]

Kawig panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]