Santa Rosa, Laguna

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng Santa Rosa
—  Lungsod  —

Sagisag
Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Santa Rosa.
Santa Rosa, Laguna is located in Philippines<div style="position: absolute; z-index: 2; top: May mali sa ekspresyon: Nawawalang operand para sa *%; left: -864.4%; height: 0; width: 0; margin: 0; padding: 0;">
Lungsod ng Santa Rosa
Lokasyon sa Pilipinas
Bansa Pilipinas
Rehiyon CALABARZON (Region IV-A)
Lalawigan Laguna
Distrito Unang Distrito ng Laguna
Mga barangay 18
Ganap na Lungsod 10 Hulyo 2004
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Arlene Arcillas-Nazareno (Lakas-CMD) (2010-2013)
Lawak
 • Kabuuan 54.84 km2 (21.17 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 284,670
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal 4026
Kodigong pantawag 49
Kaurian ng kita Unang klase
PSGC 043428000
Website www.santarosacity.gov.ph

Ang Santa Rosa ay isang primera klaseng lungsod sa lalawigan ng Laguna sa Pilipinas. Ang lungsod ay may matatagpuan 38 kilometro sa timog na Maynila, sa pamamagitan ng South Luzon Expressway, kaya ang lungsod ay naging pamayanang suburban resendensyal ng Kalakhang Maynila. Ang tahimik na bayan na ito ng Laguna ay nagsimulang umunlad nang maitatag ang Filsyn, CIGI at iba pang maliliit na multinasyonal na mga kompanya na nasa labas ng Maynila. Ayon sa senso noong 2000, ang Lungsod ng Santa Rosa ay may populasyon na 185,633 ngunit noong 2005, nalampasan nito ang Lungsod ng San Pablo kung pagbabatayan ang populasyon, at naging pang-apat na pinakamalaking lungsod/bayan pagkatapos ng Calamba, San Pedro, at ng Biñan.

Hanggang sa mga taon nakalipas, ang Santa Rosa ay dating kilala dahil sa Coca-Cola at Toyota na may mga malalaking planta sa mga liwasang pang-industriya dito. Nakikilala na rin ang lungsod na ito dahil sa pagkakatayo ng Enchanted Kingdom, at sa mga ginagawang mga pabahay. Ang Santa Rosa ay may labasan din para sa mga manlalakbay na tutungo sa Tagaytay sa pamamagitan ng South Luzon Expressway.

Dumarami na rin ang mga planta ng mga sasakyan sa lungsod, tulad ng Ford Motor Company na gumagawa ng Ford Lynx, Ford Focus, Mazda 3, Ford Escape, at Mazda Tribute at nagtitinda ng Ford Ranger, Ford Everest & Mazda6. Ang iba pang kompanya ay Nissan Motors Co., Ltd., Toyota Motor Corporation, Honda Motor Co., Ltd., Isuzu Motors Ltd. at Mitsubishi.

Ang Santa Rosa ay ikalawa sa mga bayan at lungsod sa Katimugang Luzon na nagkaroon ng parehong SM Mall at Robinson pagkatapos ng Dasmariñas, Cavite Dasmariñas sa Cavite. Ang Santa Rosa ay nagin lungsod sa pagpipirma ng Republic Act No. 9264, na na-ratified ng mga tao ng Santa Rosa noong 10 Hulyo 2004.

Ang Santa Rosa ay nahahati sa 18 barangay.

  • Aplaya
  • Balibago
  • Caingin
  • Dila
  • Dita
  • Don Jose
  • Ibaba
  • Labas
  • Macabling
  • Malitlit
  • Malusak (Pob.)
  • Market Area (Pob.)
  • Kanluran (Pob.)
  • Pook
  • Pulong Santa Cruz
  • Santo Domingo
  • Sinalhan
  • Tagapo

Mga kawing na panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]