Santa Sede

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Santa Sede o Banal na Sede (Latin: Sancta Sedes, Ingles: Holy See) ay ang autoridad ng Simbahang Katoliko sa Roma, kung saan ang kaniyang obispo ay ang Santo Papa. Bilang pangunahing sede ng Simbahang Katoliko, kinakatawan ng Santa Sede ang pamahalaang sentral ng Simbahan, kasama ang mga ahensiya at ibang mga organong pampamahalaan na kinakailangan para sa epektibong pamamahala ng Simbahan sa buong mundo. Sa laragan naman ng diplomasya, kinakatawan ng Santa Sede ang buong Simbahang Katoliko, at kinikilala ito ng batas pandaigdig bilang isang hiwalay na entidad na may soberanya, sa pamumuno ng Santo Papa, kung saan maaaring magkaugnay ang mga estado kasama nito.[1][2]

Gayunpaman, hindi magkaugnay ang Santa Sede sa Lungsod ng Batikano, kahit kung karaniwang tinutukoy bilang "Batikano" ang Santa Sede: itinatag noong 1929 lamang sa bisa ng Tratado ng Letran ang Lungsod ng Batikano, habang umiiral pa noong sinaunang panahon ang diyosesis ng Roma na kinakatawan ng Santa Sede. Ang akreditasyon, halimbawa, ng mga embahador sa Simbahang Katoliko ay sa Santa Sede, hindi sa Estado ng Lungsod ng Batikano, at pinapadala naman ng Simbahang Katoliko ang mga nunsiyo nito sa mga ibang bansa sa ngalan din ng Santa Sede, at hindi ng Estado ng Lungsod ng Batikano.

Tingnan din[baguhin]

Talasanggunian[baguhin]

  1. Direktang kinuha ang teksto mula sa http://www.fco.gov.uk/en/travel-and-living-abroad/travel-advice-by-country/country-profile/europe/holy-see/ (binasa noong 2 Pebrero 2013), sa websayt ng Tanggapang Pandaigdig at Pang-Komonwelt ng Britanya.
  2. Tiyak ang pagkilala sa soberanya ng Santa Sede sa maraming mga kasanduang pandaigdig, at partikular na kinikilala ito sa Artikulo 2 ng Tratado ng Letran ng 11 Pebrero 1929, kung saan nakasaad na "kinikilala ng Italya ang soberanya ng Santa Sede sa larangang pandaigdig bilang hiyas na bahagi ng diwa nito, na umaayon sa tradisyon nito, at sa mga kinakailangan ng misyon nito sa mundo.


Katolisismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.