Shaun Livingston

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Shaun Livingston Wizards.jpg

Shaun Livingston (ipinanganak noong ika-11 ng Setyembre 1985 sa Peoria, Illinois) ay isang Amerikanong propesyonal na manlalaro ng basketball sa NBA. Si Livingston ay naglaro bilang isang point guard para sa Los Angeles Clippers.

Si Livingston na naglaro sa Richwoods High School at Peoria Central High School sa Illinois, ay pinapurihan bilang isang high school recruit na ikinumpara sa tanyag na si Magic Johnson. Tinanggap ni Livingston ang iskolarship para sa paglalaro niya sa Duke University ngunit sa banding huli ay mas pinili nya na iwan ang kolehiyo at pumasok siya sa 2004 NBA Draft na kung saan pinili siya ng Clippers sa 4th overall pick sa unang round.

Si Livingston ay matangkad para sa isang karaniwang point guard (6’7”) at dahil sa pagkasama ni Sam Cassell sa Clippers roster, nagkaroon siya ng pagkakataon na lumaro bilang isang shooting guard. Siya ay mahalagang bahagi ng Clippers sa husay at galling na ipinakita nito sa 2005-06 season. Si Livingston ay nagtala ng personal na record na 14 assists noong Pebrero 23, 2007 laban sa Golden State Warriors.

Sa kanyang unang dalawang NBA seasons, naglaro na may kabuuang 91 games, si Livingston ay nag average ng 6.3 puntos kada laro. Sa kanyang ikatlong season, siya ay pumuntos ng 9.3 kada laro na higit sa kanyang pangkaraniwan puntos kada laro, at isa siya sa iilang manlalaro ng Clippers na higit na humusay magmula sa 2005-2006 NBA season. Subalit isang malungkot na pangyayari ang naganap nang siya ay magkaroon ng kapansanan sa tuhod na naging dahilan upang hindi siya makapaglaro sa nalalabing 39 games.

Si Livingston ay nagtamo ng kapansanan sa binti noong Pebrero 26, 2007 matapos na mawala sa posisyon ang kanyang kaliwang tuhod nang siya ay alanganing bumagsak matapos na magmintis ang kanyang lay-up na nagbunga ng pagkapinsala ng kanyang kaliwang tuhod sa kanilang laban sa Charlotte Bobcats. Halos napinsala ang bawat parte ng tuhod ni Livingston, napunit ang kanyang anterior cruciate ligament (ACL), ang posterior cruciate ligament (PCL), at ang lateral meniscus, na lubhang nakaapekto sa kanyang medial collateral ligament (MCL), at naglihis ng kanyang patella at tibia-femoral joint. Lubhang malaki ang naging dulot na pinsala na kinailangan niya ng pagpapagaling mula 8 hanggang 12 buwan bago siya muling makabalik sa paglalaro at maaari din na ma miss niya ang 2007-2008 NBA season.

Ang pinsala ay lubhang malaki na minabuti ng ESPNEWS na magbabala sa mga manonood sa gagawin nilang pagpapalabas ng video clip ng insidente. Si Livingston

ay nagtamo ng mga pinsala sa kabuuan ng kanyang tatlong taong propesyonal na paglalaro at hindi rin siya nakalaro ng 101 sa kabuuang 246 na regular na season games.

Mga dagdag-pangkaalaman[baguhin]

  • Naglaro sa 2004 Mc Donald’s High School All-American game. (Pinangalanan na co-MVP)
  • Napabilang sa PARADE Magazine All-America First Team.
  • Pinangunahan ang Peoria Central High School sa Class AA state titles noong 2003 at 2004.
  • Pinangunahan ang Concordia Lutheran Grade School sa LSA titles noong 1999 hanggang 2000.
  • Pinarangalan na West Rookie of the Month para sa buwan ng Abril 2005.
  • Siya ang ika-apat na Illinois Mr. Basketball na tuwirang lumahok sa NBA matapos ang high school (kabilang nina Kevin Garnett, Darius Miles at Eddy Curry)
  • Most Valuable Player noong Hunyo 2003 ng NBA Players’ Association Camp sa Richmond, Virginia.
  • Si Livingston ay nag-aral din sa eskwelahang pinanggalingan ng tinaguriang “Voice of the Clippers” na si Ralph Lawler (Peoria Central)

Mga talasanggunian[baguhin]


Mga panlabas na kawing[baguhin]

Padron:2004 NBA Draft