Sikolohiyang pang-ugali

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang sikolohiyang pang-ugali (Ingles: behaviorism, behaviourism, learning perspective), kilala rin bilang perspektibo sa pagkatuto o pananaw sa pagkatuto, kung saan ang anumang kilos o galaw ay isang ugali, ay isang pilosopiya ng sikolohiya na nakabatay sa panukala na ang lahat ng mga bagay-bagay na ginagawa ng mga organismo  – kasama na ang pag-arte, pag-iisip, at pagdama  – ay maaaring ituring at dapat na ituring bilang mga pag-uugali.[1] Ayon sa sikolohiyang pang-ugali, ang ugali ay maaaring pag-aralan nang makaagham, na hindi kailangang malaman ang pisyolohiya ng kaganapan, at nang hindi gumagamit ng mga teoriyang katulad ng sa isipan.[2] Ayon sa sikolohiyang pang-ugali, mapagmamasdan at mamamatyagan ang lahat ng mga pag-uugali.

Kasama sa mga taong higit na nakaimpluwensiya sa sikolohiyang pang-ugali ay sina Ivan Pavlov, Edward Lee Thorndike, John B. Watson at B. F. Skinner.[3]

Inimbistigahan ni Pavlov ang pagkukundisyong klasikal, subalit hindi sumang-ayon sa sikolohiyang pang-ugali at mga sikologong makapang-ugali. Tinanggihan nina Thorndike at Watson ang mga paraang introspektibo at nagnasi na ihangga ang sikolohiya sa mga paraang eksperimental o sumusubok. Nakatuon ang pananaliksik ni Skinner sa pagkukundisyong operante o pagkukundisyong nagdurulot ng paggalaw.

Sa kasalukuyan, ang mga ideya mula sa sikolohiya ng pag-uugali o sikolohiya ng ugali ay ginagamit sa mga terapiyang katulad ng terapiyang kognitibo at pang-ugali. Nakakatulong ang terapiyang kognitibo at pang-ugali sa mga tao upang makaraos o makaraan sa mga pagkabahala at mga pobya, pati na sa mga partikular na mga uri ng adiksiyon.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Skinner, B.F. (16 Abril 1984). "The operational analysis of psychological terms". Behavioral and brain sciences (Nakalimbag) 7 (4): 547–581. http://cat.inist.fr/?aModele=afficheN&cpsidt=9212556. Hinango noong 2008-01-10. 
  2. Baum, William M. (1994). Understanding behaviorism: science, behavior, and culture. New York, NY: HarperCollins College Publishers. ISBN 0-06-500286-5. 
  3. Fraley, LF (2001). "Strategic interdisciplinary relations between a natural science community and a psychology community" (pdf). The Behavior Analyst Today 2 (4): 209–324. http://www.baojournal.com. Hinango noong 2008-01-10. 



Sikolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.