Sikoseksuwal na pag-unlad
Sa sikolohiyang Freudiano, ang Sikoseksuwal na pag-unlad ay isang sentral na sangkap sa teoriya ng sikoanalitikong seksuwal na pag-uudyok, na ang tao, mula sa kapanganakan, ay mayroon nang libog (ganang seksuwal) na naipapakita sa limang yugto. Ang bawat yugto - ang pambibig , ang pambutas ng puwit , ang pangtiti, ang pag-amba o pagtaglay (latensiya), at ang henital - ay may mga bahagi ng katawan na itinatangi bilang mga sonang erohenosa na pinagmumulan ng ganang seksuwal. Sinasabi ni Sigmund Freud na kapag ang isang bata ay nakaranas ng pagkabalisa (pagpigil sa kahit anong yugto ng sikoseksuwal) ito ay magdudulot ng neurosis sa katandaan.[1][2]
Pinanggalingan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Sigmund Freud (1856-1939) ang nagsabi na ang pag-uugali ng bata ay nakatuon sa ilang bahagi ng kaniyang katawan, halimbawa ang bibig habang nagpapasuso, o kaya ang puwit sa panahon ng pagtuturo sa paggamit ng banyo o kubeta. Iminumungkahi ni Freud na ang pang-adultong neurosis (pantungkuling diperensiya sa pag-iisip o functional mental disorder sa Ingles) ay madalas na nakaugat sa seksuwalidad ng pagkabata, kaya, ang mga pag-uugaling neurotiko sa katandaan ay bunga ng seksuwal na pantasya mula pagkabata. Sinasabi rin na dahil ang tao ay ipinanganak na seksuwal, ang sanggol ay makakakamit ng seksuwal na ginhawa sa kahit na anong bahagi ng kanilang pangangatawan. Bukod pa rito, ang pakikipaghalubilo raw ang dahilan upang matungo ang ganang seksuwal sa pagiging heteroseksuwal sa kanyang katandaan.[3]
Mga Yugto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Yugtong pambibig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang yugto ng sikoseksuwal na pag-unlad ay tinatawag na yugtong pambibig. Ito ay mula sa kapanganakan hanggang sa gulang na dalawang taon. Sa yugtong ito, sinasabi na ang ganang seksuwal ng isang bata ay nakukuha niya mula sa pagsuso sa suso at ang paglalagay ng iba't ibang mga gamit sa kanyang bibig. Dahil sa kawalan ng identidad ng sanggol, ang kaniyang aksiyon ay nagmumula sa prinsipyo ng kasiyahan, ang instinto ng pagkuha ng kaginhawahan.
Yugtong pambutas ng puwit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ikalawang yugto ng sikoseksuwal na pag-unlad ay ang yugtong pambutas ng puwit. Nagtatagal ito mula sa edad na labing-limang buwan hanggang tatlong taon. Dito, sinasabi na ang ganang seksuwal ng bata ay nagmumula sa bibig patungo sa puwit. Ang pagtuturo sa tamang paraan ng pagdumi ay isa sa mga pangyayari kung saan nakukuha niya ang kaginhawaan.
Yugtong pangtiti
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ikatlong yugto ng sikoseksuwal na pag-unlad ay ang yugtong pangtiti (o yugtong pang-galit na titi) na tumatagal mula sa edad na tatlo hanggang anim na taon, kung saan ang ari ng lalaki o ari ng babae ay ang kanyang pangunahing seksuwal na bahagi sa katawan. Ito ang yugto kung saan may malay na ang bata sa kanyang pangangatawan, sa mga katawan ng ibang mga bata, at sa mga katawan ng kanilang mga magulang; nabibigyang-kasiyahan ang kanilang pisikal na kuryusidad sa pamamagitan ng paghuhubo at paghuhubad at pagkalap sa katawan ng bawat isa at sa kanilang mga ari, at sa gayon ay nalalaman nila ang pisikal (seksuwal) na pagkakaiba sa pagitan ng isang "lalaki" at ng isang "babae" at ang pagkakaiba ng mga kasarian sa pagitan ng dalawa.
Sa yugtong pangtiti, para sa mga kalalakihan, sinabi ni Freud na may pagkakahalintulad ang nararanasan ng mga kalalakihan sa pangyayari doon sa buhay ni Oedipus. Tinawag niya itong suliranin ni Oedipus o kompleks ni Oedipus. Si Oedipus ay isang tauhan sa mitolohiya ng mga Griyego na nagmula pa sa ikalimang siglo. Dahil sa kanyang kasalanan, si Oedipus ay pinarusahan sa pamamagitan ng pagkaranas na mapatay ang kanyang amang si Laius at akitin ang kanyang inang si Jocasta. Sa kababaihan naman ay nagaganap ang tinatawag na suliranin ni Electra o kompleks ni Electra. Si Electra ay nakikipagkompetisyon sa kanyang ina upang makuha ang kanyang ama. Kasama ng kanyang kapatid na si Clytemnestra, sila ay nagplanong maghiganti sa kanilang ina upang mabigyan ng katarungan ang pagpatay sa kanilang amang si Agamemnon.[4][5][6]
Yugto ng pag-amba
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ikaapat na yugto ng sikoseksuwal na pag-unlad ay ang yugto ng latensiya (yugto ng pag-amba o yugto ng pagtataglay) na mula sa edad na anim na taon hanggang sa pagbibinata o pagdadalaga, kung saan ang bata ay pinagsasama ang mga gawi ng kanyang karakter na nabuo mula sa naunang tatlong taon. Dahil sinasabing nakatago ang ganang seksuwal at ang pagbibigay-kasiyahan ay naantala - hindi katulad sa panahon na nagdaan sa mga yugtong pambibig, pambutas ng puwit, at pangtiti - ang bata ay nakakakuha ng kasiyahan mula sa proseso ng pangalawang pag-iisip. Ang ganang seksuwal ay inilalaan sa mga panlabas na gawain, tulad ng pag-aaral, pakikipag-kaibigan, libangan, at iba pa.
Yugtong panghenitalya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ikalimang yugto ng sikoseksuwal na pag-unlad ay ang yugtong panghenitalya. Ito ay nagtatagal mula sa pagbibinata hanggang sa katandaan. Ito ang nagiging gabay sa buhay ng isang lalaki at ng isang babae. Ang layunin nito ay ang pangsikolohiyang pakikipaglapit at kalayaan mula sa mga magulang. Ang yugtong panghenitalya ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao upang ipakita ang kanilang kakayahan na harapin at lutasin ang kani-kanilang natitira pang mga problemang sikoseksuwal mula pa sa pagkabata. Tulad ng sa yugtong pangtiti, ang yugtong panghenitalya ay nakasentro sa ari ng lalaki o babae, ngunit ang seksuwalidad ay nahubog na sa pagtanda, sa halip na mag-iisa at umaastang parang bata.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Modules on Freud, I. on Pyschosexual development". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-11. Nakuha noong 2011-04-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bullock, A., Trombley, S. (1999) Ang bagong Fontanang diksyunaryo ng makabagong kaisipan Harper Collins:London mga pahina 643, 705
- ↑ Myre, Sim (1974) Pamamaraan sa Psychiatry, Ikatlong Edisyon, Churchill Livingstone:Edinburgh at London, pahina 396
- ↑ Murphy, Bruce (1996). Benét’s Reader’s Encyclopedia Ikaapat na edisyon, HarperCollins Publishers:New York p. 310
- ↑ Bell, Robert E. (1991) Mga kababaihan sa klasikal na mitolohiya: Isang biograpikal na diksyunaryo Oxford University Press:California pp.177–78
- ↑ Hornblower, S., Spawforth, A. (1998) Ang kaagapay ng Oxford sa sibilisasyong klasikal pp. 254–55