Silangang Timor

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Demokratikong Republika ng Silangang Timor
Democratic Republic of Timor Leste
República Democrática de Timor Leste
Pambansang Kasabihan: Unidade, Acção, Progresso
(Portuguese|: "Unity, Action, Progress")
Pambansang Awit: Pátria
Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Dili
8°34′S 125°34′E / 8.567°N May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / 8.567; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Opisyal na wika Tetum at Portuguese[1]
Pangalang-
turing
East Timorese
Pamahalaan Republika ng Parliamentaro
 -  Pangulo Taur Matan Ruak
 -  Punong Ministro Xanana Gusmão
Kalayaan mula sa Portugal[2] 
 -  Ipinahayag Nobyembre 28, 1975 
 -  Kinilala Mayo 20, 2002 
Lawak
 -  Kabuuan 15,410 km2 (ika-158)
5,743 sq mi 
 -  Tubig (%) walang gaano
Populasyon
 -  Pagtataya ng Hulyo 2005 1,115,000[kailangan ng sanggunian] (ika-155)
 -  Kakapalan 64/km2 (ika-132)
166/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2005
 -  Kabuuan $2.18 billion (206)
 -  Bawat kapita $800 (188)
TKT (2007) 0.514 (medium) (ika-150)
Pananalapi U.S. Dollar[3] (USD)
Pook ng oras (UTC+9)
Internet TLD .tl[4]
Kodigong pantawag 670
Para sa lathalaing ukol kay Tamerlane, tingnan ang Timur.

Ang Demokratikong Republika ng Timor-Leste (bigkas /chi·mór lésh·chi/), o Silangang Timor, ay isang bansa sa Timog-Silangang Asya. Binubuo ito ng silangang hati ng pulo ng Timor, ng mga kalapit na pulo ng Atauro at Jaco, at Oecusso-Ambeno, isang enclave ng Kanlurang Timor sa kanlurang bahagi ng isla, pinaliligiran ng Kanlurang Timor.

Sakop noong ika-16 dantaon ng Portugal ang Silangang Timor, at tinatawag bilang Portuges na Timor hanggang sa matapos ang papanakop nito. Noong huling bahagi ng 1975, inihayag ng Silangang Timor ang kanilang kalayaan, subalit sinakop ng karatig bansang Indonesia at inihayag bilang kanilang ika-27 lalawigan nang sumunod na taon. Ang Silangang Timor ay humiwalay noong 1999 at nakamit nito ang ganap na kalayaan noong Mayo 20, 2002. Nang sumali ang Silangang Timor sa United Nations noong 2002, napagdesisyunan nilang gamiting opisyal ang pangalan nitong Portuges na Timor-Leste, at hindi ang pangalan nito sa Ingles na “East Timor”. Isa sa dalawang bansa sa buong Asya ang Silangang Timor na may nakakahihigit na bilang ng Katoliko, sunod sa Pilipinas.

Talababa[baguhin]

  1. Kinikilala ng Saligang Batas ang Indonesian at English bilang "working languages" (wika sa hanapbuhay).
  2. Sinakop ng Indonesia ang East Timor noong Disyembre 7, 1975 at umalis noong 1999.
  3. Ginagamit din ang baryang Centavo.
  4. Nasa ilalim na ng phased outing ang .tp.