Silas Marner

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Silas Marner
Buod
May-akda George Eliot
Bansa Nagkakaisang Kaharian
Wika Ingles
(Mga) Uri Klasiko
Naglimbag William Blackwood and Sons
Petsa ng paglimbag Abril 1861
Uri ng midya Nakalimbag (Matigas na pabalat at Malambot na pabalat)
ISBN Hindi maaari

Ang Silas Marner: The Weaver of Raveloe o "Si Silas Marner: Ang Manghahabi ng Raveloe" ay isang madramang nobela ni George Eliot (ang katawagang ito ay ang pangalang pampanitikan ni Mary Ann Evans) na unang nalathala noong 1861.

Pangunahing tauhan sa nobelang ito ang isang manghahabi na naging labis na nahumaling sa gintong nakakamit niya dahil sa kanyang pangangalakal. Nilarawan sa kuwentong ito ang kanyang puso bilang isang nakakandadong kabaong na naglalaman ng kayamanan sa loob (mula sa orihinal na Ingles na nagsasabing "a locked casket with its treasure inside"). Ngunit sumapit ang isang gabi kung kailan ninakaw ang kanyang ginto. Nanlata, nalungkot, at naging sawi si Marner dahil sa kanyang kawalang ito, hanggang sa makatagpo siya ng isa pang kayamanang nasa anyo ng isang batang babaeng ulila, na lumitaw sa kanyang pintuan. Nang buksan niya ang kanyang tahanan para sa paslit na ito, nakatagpo siya ng isang gantimpalang mas nakahihigit pa kaysa tunay na ginto.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Halimbawa at paliwanag sa God loves a cheerful giver. (2 Corinthians 9:7), Wednesday, June 17, Meditations, June 2009, The Word Among Us, Daily Meditations for Catholics, pahina 37.


Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Wikisource
Ang Wikisource ay may orihinal na teksto na may kaugnayan sa artikulong ito: