Simeón Ola

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Simeón Ola y Arboleda (ika-2 ng Setyembre 1865ika-14 ng Pebrero 1952) ay isang bayani ng Himagsikang Pilipino at ang pinakahuling heneral na sumuko sa hukbong Amerikano noong Digmaang Pilipino-Amerikano.[1]

Himagsikang Pilipino[baguhin | baguhin ang batayan]

Silipin din: Himagsikang Pilipino

Pinanganak si Ola sa Guinobatan sa Albay kina Vicente Ola at Apolonia Arboleda.[2] Nag-aaral siya ng pilosopiya nang itigil niya ito noong 1896 para makisapi sa Katipunan.[2] Matapos ang himagsikan laban sa Espanya, ipinagpatuloy niya ang pakikidigma laban sa mga Amerikano.

Digmaang Pilipino-Amerikano[baguhin | baguhin ang batayan]

Silipin din: Digmaang Pilipino-Amerikano

Dahil hindi mapigil ng hukbong Amerikano ang mga paglusob ni Ola, mismong sinasabi ni Heneral Taft na ang mga tauhan ni Ola ang mga pinakamatindi niyang naharap,[2] nagpatayo na lamang sila ng mga concentration camp sa buong Kabikulan, tulad nang ginagawa na nila noong panahong iyon sa buong bansa.[3] Noong Nobyembre 1902 dinalaw ni Heneral Jesse Garwood si Ola, nakikiusap na sumuko na siya.[2] Tumanggi si Ola at ipinagpatuloy niya ang kaniyang mga pagsalakay sa hukbong Amerikano hanggang siya'y madakip noong ika-5 ng Setyembre 1903. Noong ika-25 ng Setyembre ng taong iyon, sumuko sa wakas sina Ola at ang kaniyang mga tauhan. Hinatulan si Ola ng 30 taon sa bilangguan bagaman pinalaya rin siya niyong sunod na taon.

Buhay pampolitika[baguhin | baguhin ang batayan]

Ngayong malaya na, tumakbo si Ola bilang alkalde ng Guinobatan at nanalo; siya ang naging unang alkalde ng bayan.[4] Namatay siya noong ika-14 ng Pebrero 1952, halos anim na taon matapos kilalanin sa wakas ng mga Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas. Noong ika-25 ng Setyembre 2004 inilipat ang kaniyang mga labi sa Dambana ni Simeón A. Ola sa Liwasang Ola sa Guinobatan.[5][6] Mayroon ding nakatayong bantayog ni Ola sa Liwasan ng Pamana ng Kabikulan sa Legazpi.[7]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]