Sinaunang Malapit na Silangan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mapa ng sinaunang Malapit na Silangan

Ang sinaunang Malapit na Silangan (Ingles: ancient Near East) ay ang tahanan ng mga sinaunang kabihasnan sa loob ng rehiyon na tumutugon sa modernong Gitnang Silangan (Middle East). Ang mga sinaunang kabihasnan o bansang ito ang Mesopotamia (modernong Iraq, timog silangang Turkey at hilagang silangang Syria), sinaunang Ehipto, sinaunang Iran (Elam, Media, Parthia at Persia), Anatolia/Asia Menor (modernong Turkey), Levant (modernong Syria, Lebanon, Israel, Palestine at Jordan), Malta at Peninsulang Arabiano. Ang sinaunang malapit na silangan ay pinag-aaralan sa mga larangan ng arkeolohiya ng malapit na silangan at ng sinaunang kasaysayan. Ito ay nagsimula sa paglitaw ng Sumer noong 4000 BCEE bagaman ang petsa ng wakas nito ay iba-iba mula sa panahong Tanso at panahong Bakal hanggang sa pananakop ng Imperyong Achaemenid noong ika-anim na siglo BCEE o ni Alexander the Great noong ikaapat na siglo BCEE. Ang sinaunang malapit na silangan ay itinuturing na duyan ng kabihasnan. Ito ang una na nagsanay ng intensibong taunang agrikultura, nagbigay sa ibang panig ng daigdig ng unang sistema ng pagsulat, nag-imbento ng gulong ng magpapalayok at gulong ng sasakyan at gilingan, lumikha ng mga unang sentralisadong pamahalaan, mga batas kodigo at mga imperyo gayundin ang nagpakilala ng stratipikasyong panlipunan, pang-aalipin at organisadong digmaan. Ito ang naglatag ng pundasyon ng mga larangan ng astronomiya at matematika.

Mga panahon at paglitaw ng mga bansa[baguhin]

Panahong Kobre (Copper Age) Chalcolithic
(4500 BCE - 3300 BCE)
Simulang Chalcolithic 4500 BCE - 4000 BCE Panahong Ubaid
Huling Chalcolithic 4000 BCE - 3300 BCE Ghassulian, Panahong Uruk, Gerzeh, Predinastikong Ehipto
Panahong Tanso (Bronze Age)
(3300 BCE - 1200 BCE)
Simulang Panahong Tanso
(3300 BCE - 2000 BCE)
Simulang Panahong Tanso I 3300 BCE - 3000 BCE Protodinastiko hanggang Simulang Panahong Dinastiko ng Ehipto
Simulang Panahong Tanso II 3000 BCE - 2700 BCE Simulang Panahong Dinastiko ng Sumer
Simulang Panahong Tanso III 2700 BCE - 2200 BCE Lumang Kaharian ng Ehipto, Imperyong Akkadian
Simulang Panahong Tanso IV 2100 BCE - 2100 BCE Unang Pagitang Panahon ng Ehipto
Gitnang Panahong Tanso
(2000 BCE - 1550 BCE)
Gitnang Panahong Tanso I 2100 BCE - 2000 BCE Gitnang Kaharian ng Ehipto
Gitnang Panahong Tanso II A 2000 BCE - 1750 BCE Kabihasnang Minoan
Gitnang Panahong Tanso II B 1750 BCE - 1650 BCE Ikalawang Pagitang Panahon ng Ehipto
Gitnang Panahong Tanso II C 1650 BCE - 1550 BCE Lumang Kahariang Hittite, Erupsiyong Minoan
Huling Panahong Tanso
(1550 BCE - 1200 BCE)
Huling Panahong Tanso I 1550 BCE - 1400 BCE Gitnang Kahariang Hittite
Huling Panahong Tanso II A 1400 BCE - 1300 BCE Bagong Kahariang Hittite, Mitanni, Ugarit
Huling Panahong Tanso II B 1300 BCE - 1200 BCE (Panahong Madilim,Mga tao ng dagat)
Panahong Bakal (Iron Age)
(1200 BCE - 539 BCE)
Panahong Bakal I
(1200 BCE - 1000 BCE)
Panahong Bakal I A 1200 BCE - 1150 BCE Troy VII, Erupsiyong Hekla 3
Panahong Bakal I B 1150 BCE - 1000 BCE Mga estadong Neo-Hittite
Iron Age II
(1000 BCE - 539 BCE)
Panahong Bakal II A 1000 BCE - 900 BCE Imperyong Neo-Assyrian
Panahong Bakal II B 900 BCE - 700 BCE Kaharian ng Israel (Ang Israel ay unang lumitaw noong Panahong Bakal I ca. 1200 BCE), Urartu, Phrygia
Panahong Bakal II C 700 BCE - 539 BCE Imperyong Neo-Babylonian

Kasaysayan[baguhin]

Ang mga anatomikong modernong homo sapiens ay naipakita sa area ng Bundok Carmel noong Gitnang Paleolitiko na may petsang mula ca. 90,000 BCE. Ang paglipat na ito mula sa Aprika ay tila hindi naging matagumpay at noong mga 60,000 BCE sa Israel/Syria lalo na sa Amud, ang klasikong mga pangkat ng Neanderthal ay tila nakinabang mula sa papalalang klima na pumalit sa mga homo sapiens na tila nakarestriktong muli sa Aprika.[1] Ang ikalawang paglisan mula sa Aprika ay naipakita ng kulturang Itaas na Paleolitiko na Boker Tachtit mula 52,000 BCE hanggang 50,000 BCE na may mga tao sa lebel Ksar Akil XXV na mga modernong tao.[2] Ang kulturang ito ay kamukha ng kulturang Badoshan Aurignacian ng Iran at ng kalaunang kulturang Ehipsiyo na Sebilian noong c. 50,000 BCE. Iminungkahi ni Stephen Oppenheimer[3] na ito ay nagrereplekta sa isang pagkilos ng mga modernong tao (posibleng Caucasian) pabalik sa Hilagang Aprika sa panahong ito. Lumilitaw na ito ay naglalagay ng petsa kung saan ang mga kulturang Itaas na Paleolitiko ng homo sapiens ay nagsimulang pumalit sa Neanderthal Levalo-Mousterian at noong mga 40,000 BCE, ang Palestina ay natirhan ng kulturang Ahmarian na Levanto-Aurignacian na tumagal mula 39,000 BCE hanggang 24,000 BCE.[4] Ang kulturang ito ay medyo matagumpay sa pagkalat bilang kulturang Antelian (huling Aurignacian) hanggang sa Katimugang Anatolia sa kulturang Atlitan. Pagkatapos ng Huling Pangyelong Maxima, ang isang bagong kulturang Epipaleolitiko ay lumitaw sa Katimugang Palestina. Mula 18,000 BCE hanggang 10,500 BCE, ang kulturang Kebaran[5] ay nagpapakita ng maliwanag na mga ugnayan sa mas maagang mga kulturang mikrolitiko gamit ang pana at gamit ang panggiling na mga bato upang umani ng mga ligaw na butil na pinaunlad mula ca. 24,000 BCE hanggang 17,000 BCE na kulturang Halfan ng Ehipto na nagmula sa mas maaga pang tradisyong Aterian ng Sahara. Nakita ito ng ilang mga linguista na pinakamaagang pagdating ng mga wikang Nostratiko sa Gitnang Silangan. Ang kulturang Kebaran ay medyo matagumpay at maaaring ninuno ng kalaunang kulturang Natufian (10,500 BCE hanggang 8500 BCE) na sumaklaw sa buong rehiyong Levant. Ang mga taong ito ay nanguna sa unang mga sedentaryong pagtira at maaaring sumuporta sa mga sarili nito sa pamamagitan ng pangingisda at mula sa pag-aani ng mga ligaw na butil na masagana sa rehiyong ito sa panahong ito. Ang kulturang Natufian ay nagpapakita rin ng pinakamaagang domestikasyon ng aso at ang pagtulong ng aso sa pangangaso at pagbabantay sa mga tirahan ng tao ay maaaring nag-ambag sa matagumpay na pagkalat ng kulturang ito. Sa hilagang Syria, silangang Anatolia, ang kulturang Natufian sa Cayonu at Mureybet ay nagpaunlad ng unang buong kulturang agrikultural sa karagdagan ng mga ligaw na butil na kalaunang dinagdagan ng domestikadong tupa at mga kambing na malamang ay unang dinomestika ng kulturang Zarzian ng Hilagang Iraq at Iran na tulad ng kulturang Natufian ay maaaring umunlad mula sa Kebaran. Noong 8500 BCE hanggang 7500 BCE, ang bago-ang pagpapalayok na kulturang Neolitikong A (PPNA) ay umunlad mula sa mas maaagang lokal na tradisyon ng Natufian sa katimugang Palestina na naninirahan sa mga bilugang bahay at pagtatayo ng lugar na pagtatanggol sa Jericho (na nagbabantay sa mahalagang sariwang tubig). Ito ay napalitan ng bago ang pagpapalayok na Neolitikong B (PPNB) na tumira sa mga kwadradong bahay na nagmula sa Hilagang Syria at Euphrates bend. Sa panahong 8500 BCE hanggang 7500 BCE, ang isa pang pangkat na mangangaso ay nagpapakita ng maliwanag na mga apinidad sa mga kultura ng Ehipto. Ang kulturang Harifian[6] na ito ay maaaring gumamit ng mga palayok mula sa kulturang Isnan at kulturang Helwan ng Ehipto na tumagal mula 9000 BCE hanggang 4500 BCE at kalaunang sumanib mula sa kulturang PPNB noong krisis na pangklima ng 6000 BCE upang bumuo ng tinatawag na Syro-Arabian technocomplex na pagpapastol,[7] na nakakita ng pagkalat ng unang mga magpapastol na Nomadiko sa Sinaunang Malapit na Silangan. Ito ay sumaklaw patimog tungo sa baybayin ng Dagat Pula at tumagos sa mga kulturang dalawang mukhang Arabo na patuloy na naging mas neolitiko at magpapastol at sumaklaw pahilaga at pasilangan upang maglatag ng mga pundasyon ng naninirahan sa mga toldang Amoreo (Martu) at mga taong Akkadian ng Mesopotamia. Sa lambak Amuq ng Syria, ang kulturang PPNB ay tila nakapagpatuloy na umimpluwensiya sa karagdagang pagunlad na pang-kultura sa timog. Ang mga elementong nomadiko ay sumanib sa PPNB upang bumuo ng kulturang Minhata at kulturang Yarmukian na kumalat patimog na nagpasimula ng klasikong halong kulturang pagsasaka ng Mediterraneo at mula 5600 BCE ay nauugnay sa kulturang Ghassulian ng rehiyon na unang kulturang chalcolithic ng Levant.

Panahong Tanso[baguhin]

Ang unang mga siyudad ay nagsimulang umunlad sa katimugang Mesopotamia noong 4000 BCE. Sa mga siyudad na ito, ang mga ugnayan ng relihiyon ay nagsimulang pumalit sa ugnayang magkakamag-anak bilang basehan ng lipunan. Noong yugtong Uruk, ang mga kolonista at mangangalakal mula sa katimugang Iraq ay nagtatag ng mga mahahalagang kwarter sa mga tirahan sa buong katimugang bahagi ng rehiyong Levant (halimbawa ang Amuq). Sa katimugang Iraq, ang bawat siyudad ay may patrong diyos na sinamba sa isang malawak na sentral na templong tinatawag na ziggurat at pinamumunuan ng isang saserdote-hari (ishakku). Ang lipunan ay naging mas segmentado at espesyalisado at may kakayahang sa mga sama samang proyekto tulad ng irigasyon at digmaan. Kasama ng mga siyudad ay dumating ang ilang mga pagsulong sa teknolohiya. Noong mga 3100 BCE, ang pagsulat, gulong at ibang pang mga inobasyon ay ipinakilala. Sa panahogn ito, ang mga taong Sumerian ng timog Mesopotamia ay lahat organisado sa iba't ibang mga independiyenteng estadong-siyudad gaya ng Ur at Uruk at noong mga 2600 BCE ay nagsimulang magsanib sa mas malaking mga unit na pampolitika. Sa pagaangkop ng mga diyos ng mga sinakop nito, ang relihiyon ay naging mas politeistiko at ang pamahalaaan aynaging mas sekular. Ang titulong lugal, malaking tao ay lumitaw kasama ng mas maagang mga titulong relihiyos bagaman ang pangunahing tungkulin ay sumamba pa rin sa mga diyos ng estado. Ang prosesong ito ay dumating sa natural na konklusyon nito sa pag-unlad ng unang mga imperyo noong 2400 BCE. Ang mga taong tinatawag na mga Akkadian ay sumakop sa lambak sa ilalim ni Sargon I at nagtatag ng kanilang supremasya sa mga Sumerian at sumaklaw ng kanilang kontrol hanggang sa Syria sa mga baybayin. Ito ay nasundan ng paglawig ng kulturang kalakal na Kerak na nagpapakita ng mga apinidad sa Caucaus at posibleng nauugnay sa kalaunang paglitaw ng mga Hurrian. Ito ay kasabay ng mga imperyo ng Ur noong 2200 BCE at 2100 BCE at ang Lumang Kahariang Babilonia noong 1800 BCE at 1700 BCE. Sa panhong ito, ang mga Kahariang Yamkhad sa Euphrates at Qatna sa Orontes ay mahahalagang mga estadong-siyudad ng rehiyong Syria. Samantala, mga katugmang pag-unlad ay nangyayari sa Ehipto na noong 3200 BCE ay naging isa sa Lumang Kaharian ng Ehipto at sa mga tao ng Lambak Indus sa hilagang-kanlurang India. Ang lahat ng mga kabihasnan ito ay nasa mayabong na mga lambak ilog kung saan ang agrikultura ay madali kapag ang mga dam at irigasyon ay naitayo upang kontrolin ang mga bahang tubig. Ito ay nagsimulang magbago noong wakas ng 3000 BCE habang ang mga siyudad ay nagsimulang kumalat sa kalapit sa mabundok na kawntry: sa mga Assyrian sa hilagang Mesopotamia, ang mga Cananeo sa Syria-Palestina, sa mga Minoan sa Creta at sa mga Hittie sa silangang Anatolia. Sa parehong panahon, ang iba't ibang mga imigrante gaya ng mga Hittite sa Anatoli at mga Griyegong Mycenean ay nagsimulang lumitaw sa mga labas na hangganan ng kabihasnan. Ang mga pangkat na ito ay nauugnay sa paglitaw ng magaan na may dalawang gulon na chariot ng digmaa at sa mga wikang Indo-Europeo. Ang mga kabayo at mga chariot ay nangangailangan ng maraming panahon at pananatili kaya ang paggamit ng mga ito ay pangunahing nakarestrikto sa isang maliit na nobilidad. May mga heroikong lipunan na pamilyar mula sa epiko tulad ng Iliad at ang Ramayana. Noong mga 1700 BCE at 1600 BCE, ang karamihan ng mas matandang mga sentro ay natabunan. Ang Babilonia ay nasako ng mga Kassite at ang kabihasna sa Lambak Indus ay pabagsak sanhi ng klima. Ang isang pang pangkat na Mitanni ay nagpasuko sa Assyria at sa isang panahon ay banta sa kahariang Hittite ngunit natalo ng dalawang ito noong gitna ng 1400 BCE. Ang iba't ibang mga kahariang Achaean ay umunlad sa Gresya na ang pinakakilala ang Mycenae at noong 1500 BCE ay nanaig sa mas matandang mga siyudad na Minoan. Ang mga Semitikong Hyksos ay gumamit ng mga bagong teknoloiya upang sakupin ang Ehipto ngunit napalayas na nag-iiwan sa imperyo ng Bagong Kaharian ng Ehipto na umunlad. Mula 1550 BCE hanggang 1100 BCE, ang karamihan ng Levant ay nasakop ng Ehipto na naoong huling kalahati ng panahong ito ay nakipagtalo sa Syria sa imperyong Hittite. Sa wakas ng 1300 BCE, ang lahat ng mga kapangyarihang ito ay biglaang gumuho. Ang mga siyudad sa buong silanganing Mediterraneo ay nilusob sa loob ilang mga dekate ng iba't ibang mga mananalakay. Pinalayas ng Ehipto ang mga mananalakay nito at sa sumunod na siglo ay lumiit sa sakop ng teritoryo nito at ang sentral na autoridad nito ay permanenteng humina. Ang tanging Assyria at Ehitpo ang nakatakas sa malaking pinsala.

Panahong Bakal[baguhin]

Ang pagguho ng Panahong Tanso ay nag-iwan ng ilang mga munting kaharian at mga estadong-siyudad. Ang mga sentrong Hittie ay nanatili sa hilagaang Syria kasama ng mga puertong Phoenician sa Canaan na nakatakas pagkawasak at umunlad s amga dakilang kapangyarihang pangkalakal. Noong 1200 BCE, ang karamihan ng looban nito gayundin ng Babilonia ay sinunggaban ng mga Arameo samantalang ang baybayin sa ngayong Gaza Strip ay tinirhan ng mga Pilisteo. Sa panahong ito, ang ilang mga inobasyon sa teknolihiya ay kumalat na ang pinakakilala ang paggawa sa bakal at alpabetong Phoenician na pinaunlad ng mga Phoenician o mga Cananeo noong 1600 BCE. Noong 900 BCE, ang mga Assyrian ay muling nagpalakas ng kanilang sarili laban sa panghihimasok ng mga Arameo at sa sumunod na ilang mga siglo ay umunlad sa isang makapangyarihan at mahusay na organisadong imperyo. Ang mga hukbo nito ang una na gumamit ng kabalyero na pumalit sa mga chariot at may reputasyon ng superior na kakayahan at pagiging brutal. Gayunpaman, ang imperyong ito ay nagsimulang gumuho tungo sa wakas ng 700 BCE at nalipol ng pagsasanib ng muling umahong Bagong Kaharian ng Babilonia at Iranian Medes. Ang kalaunang balanse ng kapangyarihan ay maikli. Noong mga 550 BCE, ang mga Persian ay naghimagsik laban sa Medes at muling nakamit ang imperyo. Sa sumunod na ilang mga dekada ay idinagdag sa mga sakop nito ang Lydia sa Anatolia, Damascus, Babilonia at Ehipto gayundin ang pag-iisa ng kontrol nito sa talampas na Iranian na halos kasing layo India. Ang malawak na kaharian ay nahati sa iba't ibang mga satrapiya at pinamahalaan ayon sa modelong Assyrian ngunit may mas magaan na kamay. Sa panahong ito, ang Zoroastrianismo ang nanaig na relihiyon sa Persia.

Mga relihiyon ng Sinaunang Malapit na Silangan[baguhin]

Ang mga sinaunang kabihasnan sa Sinaunang Malapit na Silangan ay malalim na naimpluwensiyahan ng kanilang mga paniniwalang espiritwal.[8] Sila ay naniniwala na ang aksiyon ng diyos ay umiimpluwensiya sa lahat ng mga pangdaigdigang bagay. Sila ay naniniwala rin sa dibinasyon o kakayahan na manghula ng hinaharap.[8] Ang mga omen ay kadalasang isinusulat sa sinaunang Ehipto at Mesopotamia.[8] May mga malawak na kasanayan ang mga relihiyon sa Sinaunang Malapit na Silangan na karaniwang pinagsasaluhan: mga puripikasyon at mga ritwal ng paglilinis, mga templo, mga pista, mga batas na moral o legal, mga saserdote o pari, mga himno at panalangin, mga propesiya at mga propeta, kabilang buhay, mga diyos, anghel/espirito at demonyo at mga multo, mga nagagalit na diyos, mga mito ng paglikha at mga manlilikhang diyos/diyosa, mga paghahandog (handog na hayop at halaman, mga libasyon), Politeismo ngunit ang ilan gaya ng Ehipto ay henoteistiko na pagsamba sa iisang diyos ngunit tumatanggap sa pag-iral ng ibang mga diyos o monolatrista gaya ng Mardukite. Ang Israel sa simula ay politeistiko ngunit tumungo sa monolatrismo (pagsamba sa isang diyos ngunit kumikilala sa pag-iral ng ibang mga diyos at kalaunan ay naging monoteistiko pagkatapos ng ika-6 siglo BCE), Teokrasya, dibinasyon (dibinasyon sa pamamagitan ng mga panaginip, dibinasyon sa pamamagitan ng palabunutan) at iba pa.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Amud". Encyclopædia Britannica. http://www.britannica.com/eb/article-9007286/Amud. Hinango noong 2007-10-11. 
  2. Marks, Anthony (1983)"Prehistory and Paleoenvironments in the Central Negev, Israel" (Institute for the Study of Earth and Man, Dallas)
  3. Oppemheiomer, Stephen (2004), "Out of Eden", (Constable and Robinson)
  4. Gladfelter, Bruce G. (1997) "The Ahmarian tradition of the Levantine Upper Paleolithic: the environment of the archaeology" (Vol 12, 4 Geoarchaeology)
  5. Ronen, Avram , "Climate, sea level, and culture in the Eastern Mediterranean 20 ky to the present" in Valentina Yanko-Hombach, Allan S. Gilbert, Nicolae Panin and Pavel M. Dolukhanov (2007), "The Black Sea Flood Question: Changes in Coastline, Climate, and Human Settlement" (Springer)
  6. Belfer-Cohen, Anna and Bar-Yosef, Ofer "Early Sedentism in the Near East: A Bumpy Ride to Village Life" (Fundamental Issues in Archaeology, 2002, Part II, 19–38)
  7. Zarins, Yuris "Early Pastoral Nomadiism and the Settlement of Lower Mesopotamia" (# Bulletin of the American Schools of Oriental Research No. 280, November , 1990)
  8. 8.0 8.1 8.2 Lamberg-Karlovsky, C. C. and Jeremy A. Sabloff (1979). Ancient Civilizations: The Near East and Mesoamerica. Benjamin/Cummings Publishing. pp. 4.