Sinaunang kasaysayan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang kalaunan (Ingles: antiquity), sinaunang kasaysayan, matandang kasaysayan, o lumang kasaysayan (Ingles: ancient history) ay ang pag-aaral ng nakasulat na nakalipas[1] magmula sa simula ng naitalang kasaysayan ng tao sa Lumang Mundo hanggang sa Maagang Gitnang mga Kapanahunan[2] sa Europa. Maaari rin itong magpahanggang sa katapusan ng Imperyong Romano noong bandang 476 AD. Ang salitang "antikuwidad" (pariralang "unang panahon" o "sinaunang panahon") ay may pangkaraniwang kahulugang sinaunang kasaysayan na bago ang pagsisimula ng kasaysayan ng Sinaunang Gresya noong bandang 776 BK. Noong bandang ganitong panahon din nag-umpisa ang Sinaunang Roma.

Kabilang sa mga paksa ng sinaunang kasaysayan ang kabihasnan o sibilisasyon ng mga Sumeryo (mga Sumeryano), ng mga Babilonyo (mga Babilonyano), ng mga sinaunang Ehipsiyo, ng Kapatagan ng Indus, ng mga Asiryo, ng mga Persa (Persian) (kabihasnang Persa (Persian)), ng mga Kretano, ng mga sinaunang Griyego, at ng mga sinaunang Romano.[3]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Crawford, O. G. S. (1927). Antiquity. [Gloucester, Eng.]: Antiquity Publications [atbp.].
  2. ancient-history[patay na kawing]
  3. "Ancient Civilizations". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., tomo ng titik A, pahina 215-232.



Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.