Sinibaldo de Mas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Sinibaldo de Mas y Sanz
Trabaho Diplomata, embahador, litratista, makata, manlalakbay

Si Sinibaldo de Mas y Sanz (ipinanganak noong 1809, Barcelona – namatay noong 1868, Madrid) ay isang kilalang diplomata ng pamahalaan ng Espanya sa Asya noong ika-19 siglo. Bilang adbenturero at makata, sinimulan niya ang potograpiya sa Pilipinas noong 1841. Isa rin siyang embahador ng Espanya sa Macau, Tsina.[1]

Sa Pilipinas[baguhin]

Nilisan ni De Mas ang Espanya noong 1834. Nagnegosyo si De Mas sa pamamagitan ng pagkuha ng mga larawan Sa loob ng kaniyang dalawa at kalahating pagtigil sa Pilipinas, dahil sa kakulangan ng suportang pinansiyal mula sa pamahalaang Espanya. Pinaniniwalaan na maaaring nabili ni De Mas ang kanyang kamera (isang daguerreotype) mula sa Espanya o mula sa Bengala, Indiya noong 1839. Isinulat niya ang Informe sobre el estado de las Filipinas en 1842 (Isang Report Hinggil sa Kalagayan ng Pilipinas noong 1842).[1]

Mga sanggunian[baguhin]

Wikipedia-logo-en.png
Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa Wikipediang Ingles. Ang katumbas na artikulo nito sa Ingles ay may pamagat na:

Iba pang mga sanggunian[baguhin]

Mga panlabas na kawing[baguhin]