Sistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila
Lrtalogo.svg
Impormasyon
Lokalidad Kalakhang Maynila
Uri ng transportasyon Metro
Bilang ng mga linya 2
Bilang ng mga estasyon 31
Araw-araw na pagsakay sa may 600,000
Operation
Simula ng operasyon 1 Disyembre 1984
May-takbo Pangasiwaan ng Magaan na Riles Panlulan
Technical
Haba ng sistema 31.0 km
Luwang ng daangbakal 1435 mm (pamantayang luwang)

Ang Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila (Ingles: Manila Light Rail Transit System), na karaniwang kinikilala bilang LRT, ay ang pangunahing pangkalakhang sistema ng transportasyong daangbakal na naglilingkod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. May dalawang linya sa LRT: ang LRT-1, na tinatawag bilang Linyang Dilaw, at ang MRT-2, na tinatawag bilang Linyang Murado. Bagaman kinikilala ang sistema bilang isang sistema ng "magaang riles" (light rail), maaaring dahil sa pagiging angat ng lambat-lambat, maituturing na mas malapit sa isang metro sa terminolohiyang Europeo-Hilagang Amerikano ang LRT. Ang LRT ay ang unang sistema ng metro sa timog-silangang Asya, na itinayo na mas maaga pa kaysa sa MRT ng Singgapur ng tatlong taon. Walang kaugnayan ang LRT sa Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlunan ng Maynila (MRT), o ang Linyang Bughaw, na bumubuo ng sistemang magkaiba ngunit magkaugnay.

Isang bahagi ang LRT sa imprastruktura ng transportasyong daangbakal ng Kalakhang Maynila, na kilala bilang Sistemang Panlulan ng Matatag na Republika (SRTS),[1] at pangkalahatang sistema ng pampublikong transportasyon. Bagaman isa sa orihinal na adhika ng sistema ay bawasan ang antas ng paninikip ng trapiko sa kalakhan, marami sa mga pasahero na sumasakay ng LRT ay gumagamit rin ng iba't-ibang uri ng pampublikong transportasyon sa daan, tulad ng mga bus, upang maiabot ang kanilang paroroonan mula sa isang estasyon ng LRT at bise-bersa. Habang bumubuo ito ng isang komprehensibong sistema ng transportasyong naglilingkod sa maraming bahagi ng Kalakhang Maynila, bahagyang matagumpay lamang ang sistema sa pagbawas ng antas ng paninikip ng trapiko at sa pagbilis ng paglalakbay, na tuluyang lumalala dahil sa pagtaas ng bilang ng mga sasakyan sa Kalakhang Maynila.[2] Ang paglawak ng lambat-lambat, na isinusulong ng mga sunud-sunod na administrasyon mula pa sa pagkatatag ng LRT, ay nakatuon sa resolusyon ng problemang ito.

Ang sistema ay nasa pamamahala ng Pangasiwaan ng Magaan na Riles Panlulan (LRTA), isang pampublikong kumpanya na sa ilalim ng awtoridad ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (DOTC) bilang isang kabit na ahensiya.

Lambat-lambat ng LRT[baguhin]

Kasalukuyang mapang pansistema ng LRT

Ang LRT sa sarili nito ay binubuo ng dalawang linya: ang Linyang Dilaw at ang Linyang Murado. Binubuo ang Linyang Dilaw ng 20 estasyon sa isang direksiyong pahilaga-timog sa ibabaw ng 17.2 kilometro ng naka-angat na riles. Nagsisimula ang linya sa Baclaran at nagwawakas sa Roosevelt. Binubuo naman ang Linyang Murado ng 11 estasyon sa direksiyong pakanluran-silangan sa ibabaw ng 13.8 kilometro ng riles na, sa pangkalahatan, naka-angat, ngunit ang estasyong Katipunan ay nasa ilalim ng lupa. Nagsisimula ang linya sa Recto at nagwawakas sa Santolan. Sa kabuuan, ang sistema ay may 31 estasyon sa ibabaw ng 31 kilometro ng riles, na dumadaan sa mga lungsod ng Caloocan, Maynila, Marikina, Pasay, Pasig, Lungsod Quezon at San Juan.

Bagaman dalawang estasyon lamang ay umiiral bilang estasyong panlulan sa pagitan ng Linyang Dilaw at Murado: ang estasyong Doroteo Jose at Recto, ang estasyong Sentrong Araneta-Cubao at EDSA ay naglilingkod rin bilang estasyong panlulan sa pagitan ng lambat-lambat ng LRT at ng Linyang Bughaw, habang naglilingkod naman ang Blumentritt bilang estasyong panlulan sa pagitan ng LRT at ng Pambansang Daangbakal ng Pilipinas (PNR). May anim na estasyong terminal rin ang lambat-lambat: Baclaran, Terminal Sentral (Central Terminal) at Monumento para sa Linyang Dilaw; at Recto, Sentrong Araneta-Cubao and Santolan naman para sa Linyang Murado. Lahat ng mga estasyong terminal ay inilaan rin bilang pusod ng transportasyon, kung saan ang mga pasahero ay maaaring kumuha ng ibang uri ng pampublikong transportasyon sa mga lugar papunta at paalis ng estasyon.

Bukas ang dalawang linya mula 5:00 n.u. PST (UTC+8) hanggang 9:30 n.g. para sa Linyang Dilaw at 10:00 n.g. para sa Linyang Murado Sa Sabado at Linggo, tumatakbo ang Linyang Murado sa pinaiksing talatakdaan na mula 6:00 n.u. hanggang 8:00 n.g. Kapag kinakailangan, inihayayag sa pamamagitan ng sistema ng pampublikong pagpapahayag sa bawat estasyon at sa websayt ng LRTA ang mga natatanging talatakdaan.

Bukas ang LRT bawat araw ng taon maliban sa mga petsang maihahayag. Gayunpaman, sarado ang sistema habang Semana Santa para sa taunang pangangalaga at pagpapaayos, na dahil sa mas mababang bilang ng mga pasahero sa Kalakhang Maynila na gagamit ng sistema, at dahil sa mas mababang antas ng paninikip ng trapiko. Bumabalik ang normal na pagpapatakbo pagkatapos ng Pasko ng Pagkabuhay.

Mga sanggunian[baguhin]

Mga kawing panlabas[baguhin]