Sistemang ekliptikal ng mga koordinato

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ecliptic coordinate system (celestial).svg

Ang sistemang ekliptiko ng mga koordinato ay isang sistemang panlangit ng mga koordinato na ginagamitan ng ekliptiko para sa kanyang pundamental na lapya. Ang ekliptiko ay isang lakbayin na kung saan ang araw ny nagmumukhang sumusunod sa buong panlangit na timbulog sa loob ng isang taon. Ito rin ay ang pagsasalubong sa Earth's orbital na lapya ng mundo at ang panlangit na timbulog. Tinatawag ang anggulong latitudnal na ekliptik na latitud o panlangit na latitud (sinisimbulong β), na kung saan ay sinusukat ang positibo tungo sa hilaga. Tinatawag naman ang anggulong longhitudinal na ekliptikong longhitud o panalangit na longhitud (sinisimbulong λ),na kung saan ay sinusukat mula pasilangan ng 0° hanggang 360°. Tulad ng kanang asensiyon sa sistemang ekwatoryal ng mga koordinato, nakaturo ang ekliptikong longhitud na 0° sa araw mula sa mundo sa hilagang hemisperong bernal na ekinoks. Nangyayaring lumilipat ang koordinato ng saktong bituin kung ito ang gagamitin dahil na rin sa presisyon, kaya kailangang tukuyin ang pinagkuhanang epoch. Kadalasang kinukuha ang epoch J2000.0, subalit ang sabay na ekinoks ng araw (tinatawag na petsa ng epoch) ay posible.

Maaaring magamit ang sistemang koordinatong ito sa pagtatala ng mga bagay sa sistemang solar. Lahat ng planeta (hindi kabilang ang Mercury), at maliliit na katawan sa sistemang solar ay mayroong orbito na may maliit na inklinasyon sa ekliptikong lapya, at ang kanilang ekliptikong latitud na β ay kadalasang maliit. Dahil sa maliit na debyasyon ng bawat planeta mula sa lapya ng ekliptiko, makasaysayang ginamit ang koordinatong ekliptiko sa pagalam sa kanilang posisyon. (Aaboe 2001, 17-19)

Paglipat sa pagitan ng sistemang panlangit ng mga koordinato[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa ilalim ay makikita ang

  • Ang λ ay ang ekliptikong longhitud at ang β ay ekliptikong latitud;
  • Kanang asensiyon ang α at deklinasyon ang δ;
  • ε = 23° 26' 21.406" ay ang aksyal na pagkatagilid ng mundo mula noong J2000, na kilala bilang pangkalahatang oblikitidad ng ekliptiko. (Astronomikal na Almaka para sa Taong 2011, K6)

Paglipat ng Bektor na Kartesyan[baguhin | baguhin ang batayan]

Paglipat mula sa koordinatong ekliptik sa koordinatong ekwatoryal[baguhin | baguhin ang batayan]


 \begin{bmatrix}
  x_{equatorial} \\
  y_{equatorial} \\
  z_{equatorial} \\
 \end{bmatrix} 
 =
 \begin{bmatrix}
  1 & 0 & 0 \\
  0 & \cos \epsilon & -\sin \epsilon \\
  0 & \sin \epsilon &  \cos \epsilon \\
 \end{bmatrix} \! \cdot \! 
 \begin{bmatrix}
  x_{ecliptic} \\
  y_{ecliptic} \\
  z_{ecliptic} \\
 \end{bmatrix}

(Seidelmann 1992, 555–8)

Paglipat mula sa koordinatong ekwatoryal sa koordinatong ekliptik[baguhin | baguhin ang batayan]


 \begin{bmatrix}
  x_{ecliptic} \\
  y_{ecliptic} \\
  z_{ecliptic} \\
 \end{bmatrix} 
 =
 \begin{bmatrix}
  1 & 0 & 0 \\
  0 & \cos \epsilon & \sin \epsilon \\
  0 & -\sin \epsilon &  \cos \epsilon \\
 \end{bmatrix} \! \cdot \! 
 \begin{bmatrix}
  x_{equatorial} \\
  y_{equatorial} \\
  z_{equatorial} \\
 \end{bmatrix}

(Seidelmann 1992, 555–8)

Paglipat ng Kantidad na Anggular[baguhin | baguhin ang batayan]

Kapag alam mo na ang koordinatong ekliptiko, ang koordinatong ekwatoryal ay:

α = atan2((sin λ cos ε - tan β sin ε), cos λ)
δ = asin(sin ε sin λ cos β + cos ε sin β)

Sa kabaligtaran, kapag alam mo naman ang koordinatong ekwatoryal, ang koordinatong ekliptiko ay:

λ = atan2((sin α cos ε + tan δ sin ε), cos α)
β = asin(sin δ cos ε - cos δ sin α sin ε)

(Jean Meeus: Astronomical Algorithms, 2nd Edition. ISBN 0-943396-61-1)

Tignan Din[baguhin | baguhin ang batayan]

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Astronomikal na Almanak para sa Taong 2011. 2010. Washington: US Government Printing Office. ISBN 978-0-7077-4103-1
  • Aaboe, Asger. 2001 Mga episodyo mula sa Sinaunang Kasaysayan ng Astronomiya. New York: Springer-Verlag.
  • Seidelmann, P. Kenneth, ed. 1992. Suplementong eksplanasyon sa Astronomikal na Almanak. Sausalito, CA: University Science Books. ISBN 0-935702-68-7