Sistemang pang-ekonomiya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang sistemang pang-ekonomiya ay isang pamamaraan na kinakasangkutan ng produksiyon, pamamahagi, at paggamit ng mga produkto o serbisyo sa pagitan ng mga entidad sa loob ng isang partikular na lipunan. Ito ang kaparaanan na ginagamit ng lipunan upang gumawa at mamahagi ng mga produkto at serbisyo.[1]

Mga sistemang pang-ekonomiya[baguhin]

Feudalismo

- Sistemang pangkabuhayan na ang batayan ng kapangyarihan ay batay sa laki ng pagmamay-aring lupain.

Merkantilismo[baguhin]

Ito ang namayaning kaisipan pang-ekonomiya na gumagabay sa mga patakaran ng maraming bansa sa daigdig noong unang panahon. Isinusulong nito ang kaisipan na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak dahil sa panahong iyon, nakasalalay ang pamumuno at pagkakaroon ng kapangyarihan ng isang pinuno sa dami ng ginto at pilak.

Pasismo[baguhin]

Isang tradisyunal o makalumang pamamaraan ng pamumuno na pinamumunuan na isang diktador, na may absolutong kapangyarihan. Ang kanyang pamumuno sa kanyang nasasakupan ay may disiplina, sa madaling salita istrikto ang kanyang pamumuno, tulad ni Adolf Hitler.

Sosyalismo[baguhin]

Sa sistemang sosyalismo, ang mga pangunahing gawain o industriya at ang gamit sa produksiyon ay pag-aari ng pamahalaan. Pinahihintulutan din naman ng sistemang ito ang pribadong sektor na mag-ari ng negosyo at magkaroon ng pag-aaring pribado.

Komunismo[baguhin]

Sa pamumunong ito ang estado ang nagmamay-ari at kumokontrol sa yaman ng bansa at produksiyon

Kolonyalismo[baguhin]

Sistema ng ugnayan sa pagitan ng mga bansa sa mundo kung saan direktang sinasakop ng malakas na bansa ang mga mahihinang bansa upang gamitin at mapakinabangan ang mga ito.

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]